Siya ang napangiwi habang pinagmamasdan ang ekspresyon ng mukha ng binata. Nababaliw na nga ito. Natuwa pa ba ito sa kagat niya? Hindi man lang ba ito magagalit? Hindi normal ang reaksyon ni Apollo. Dapat siguro ay patignan na nito ang utak nito. “Magka-rabies ka sana sa kagat ko sa iyo!” sikmat niya rito. Ikiniling lang nito ang ulo, at kaswal na inangat ang mga kilay. “Then that means you have it too, right? You can't pass it to me unless you've caught it first. At kung sa iyo galing, handa akong tanggapin.” Lalong lumalim ang pagkakangiwi niya. “Patignan mo na nga iyang utak mo sa doktor. Hindi ka na normal.” “When have I ever been normal?” “Ewan ko sa iyo!” Huminto ang sasakyan na ipinagtaka ni Ahtisa. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nahigit niya ang paghinga dahil nak

