“Apollo! Mabuti naman at dumating ka na!” salubong sa kanya ng inang si Ruthie. “Mom.” Hinagkan niya ito sa pisngi. “Galit pa ba siya sa akin?” Ang tinutukoy niya ay ang amang si Luther. “A little, maybe.” Napailing na lang siya. Tiyak na mas magagalit ito kapag nalaman nitong naghahanap siya ngayon ng paraan para makuha ang ospital. But there’s no stopping him. Siya ang klase ng taong hindi humihinto sa kalagitnaan. Kapag napagdesisyunan na niya ang isang bagay ay tinatapos niya hanggang dulo, at hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nakakamtan ang resultang gusto niya. Kagaya na lang kay Ahtisa. Nagdesisyon siyang habulin ito. Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Kaya nakahanda siyang gawin ang lahat para maging kanya lang ulit ito. He wasn’t paddling his boat in two river

