CHAPTER 52-2

704 Words

Tumunog ang cellphone niya. Walang emosyon ang anyo ng mukha na napatingin sa umiilaw na screen ng aparato si Apollo. Nakapatong ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Pangalan ng isa sa mga tauhan niyang nagmamanman kay Ahtisa ang rumehistro sa screen. Kinutuban na kaagad siya ng masama. Tumiim-bagang siya at mabilis na sinagot ang tawag. “Yes?” “Tumakas ho si Ms. Sinagtala,” kabadong pagbibigay-alam sa kanya ng tauhan. Tama ang kutob niya. Gumuhit ang mapaklang ngiti sa mga labi ni Apollo. You’re really determined to run away from me, Ahtisa, usal ng utak niya, kasabay ng paglagatok ng kanyang mga bagang dahil sa mariing pagkikiskisan. Did she want to hide from him even after he told her not to? I’m sorry, Ahtisa, but I could never let you go, sa loob-loob niya. “Find her,” magaspang ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD