Kung naging puzzle ito, ay isa ito sa pinakamahirap pagtagpi-tagpiin para mabuo. Gusto siya, pero hindi siya maipakilala sa mga tao? Ano iyon? At isa pa, ito naman ang nagdesisyong kanselahin ang kasal nila. Anong klaseng kalawang ang meron sa utak nito? Sana makalusot kami sa checkpoint na ito, pipi niyang dalangin. Matagal na nakahinto ang taxi. Dinig niya ang mga yabag na paikut-ikot sa sasakyan. Mayamaya ay papalayo na ang mga yabag na iyon. Nagliwanag ang mukha niya. Mukhang pinakinggan ng langit ang dalangin niya! But then, the unmistakable hum of an expensive engine stopped nearby. A door slammed shut. Ikinaigtad iyon ni Ahtisa. Kumalat din ang tensiyon sa buong katawan niya. Muli ay nagrigodon ang puso niya. Seconds later, a deep, commanding voice cut through the muffled sil

