“I know that if I kneel down and beg you for another chance, you'll say no,” sabi nito, sa tiim ng pagkakatitig nito sa kanya ay tumatagos iyon sa kalamnan niya. Pinatigas niya ang leeg. “Mabuti naman at alam mo.” “Pero gusto mo bang lumuhod ako sa iyo ngayon at magmakaawa? I will do it. I can do it. Willingly." Tinawanan niya lang ito—tawang patuya. “Kahit na masugat pa ang tuhod mo sa pagluhod at kahit na abutin ka pa ng bukas sa pagmamakaawa ay hindi magbabago ang kapasyahan ko.” Matagal na hindi nagsalita si Apollo. Pero humagod ang mainit nitong tingin sa kabuuan ng mukha niya. “So, I won't kneel and beg, but I'll make sure I get that second chance, no matter what.” May naglarong masidhing emosyon sa mga mata nitong naging seryoso na ang pagkakatitig sa kanya. Nalaglag ang panga

