Pero ngayon ay wala na siyang pakialam sa ospital, dahil kinanti ni Eros ang dulo ng pasensiya niya. Masama siyang kalaban, at maling tao ang hinamon ng doktor. He was a ruthless CEO, feared by others in the business world for a reason. Noong h-in-ack niya ang ospital ng mga Romani. Hindi lang ang personal data ni Ahtisa ang binasa niya. He did more, and saw more. Wala siyang balak na gamitin laban sa ospital o sa pamilya Romani ang mga natuklasan niya noon. Kaya nga in-utos niya sa property manager na kausaping maayos ang may-ari ng ospital at kumbinsihin itong i-benta sa kanya iyon. Pero kung magiging marumi man ang laro niya ngayon, dahil iyon kay Eros. He also knew how to play dirty when provoked. May natuklasan siyang medical negligence at medication errors ng ospital. Nalusut

