A muscle ticked in Apollo’s jaw, his fist tightening around the empty glass. “Fiancé, my arse,” he hissed through gritted teeth, a string of expletives spilling from his mouth under his breath. He grabbed another glass from a passing tray, tipping it back with the same reckless abandon. Kahit ang dami na niyang nainom ay bakit hindi man lang nabawasan ang hapdi na kumakalmot sa dibdib niya? “Tama na iyan. May plano ka bang maglasing dito?” saway sa kanya ni Ares. Nakita nito ang sunud-sunod niyang pag-ubos sa laman ng mga hinahablot niyang wineglass mula sa mga dumadaang serbidor. “I don’t care,” maigting niyang sabi. Mababa lang ang boses niya pero matalim. Habang patuloy siyang umiinom ay nakapako lang kay Ahtisa ang mga mata niya. She belonged to him. Only him. Mayamaya ay hindi na

