CHAPTER 11-2

713 Words

Kumuha si Apollo ng wine glass mula sa tray ng dumaang waiter, at sinimsim iyon. Nang sumulyap ito sa kanya ay nahuli nitong nakatingin siya rito. He held her gaze over the rim of the glass as he sipped the wine. Parang may kung anong lubid ding gumagapos sa mga mata niya at hindi niya mapilas ang tingin mula sa matiim na pagkakatitig sa kanya ng binata. "Yes, I am in a relationship," matapat at seryoso nitong sabi. Kahit walang iniinom si Ahtisa ay para siyang mabibilaukan sa sarili niyang laway. Kumakabog ang dibdib niya. "You must be kidding, Apollo. Wala namang umiikot na balita tungkol sa pagkakaroon mo ng girlfriend." Nagpakawala ng mabini at kalkuladong tawa si Victoria. Pumitik sa hangin ang mga daliri ni Artemis. "That's right! Dapat ay nakarating na sa amin o sa media kung ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD