Nanulay ang mabining kuryente sa kanyang likod. "B-bakit ho?" "I need your help with something," anito. Lumagpas sa kanya ang tingin ng binata at dumako sa matanda. "Manang Loreta, tapos naman na ba ang trabaho ni Ahtisa rito sa kusina?" "Ayy opo! Pinauuwi ko na nga po ang batang iyan." "Good. Follow me." Nauna na itong tumalikod at lumakad patungo sa kung saan nito kailangan ang tulong niya. Mabilis siyang nagpaalam sa mga kasama niya sa kusina at sinundan na ang binata. Tatlong hakbang ang distansiya niya rito habang naglalakad. Nauuna ito. Nasa likuran siya at tahimik lang na nakabuntot sa binata. Hindi niya alam kung saan ba talaga ito pupunta. "You're mad at me, aren't you?" tanong nito sa kanya, hindi nag-abalang lingunin siya, patuloy pa ring naglalakad. Napatingin siya sa mal

