Kumuyom ang mga kamay niya. Matapos ang saglit na pag-iigting ng kanyang mga panga ay muli siyang kumalma. "Fine. Do whatever you want." Magalang na siyang nagpaalam sa mga magulang niya at umalis na ng bahay ng mga ito. Naglalakad palang siya patungo sa nakaparadang itim na Maybach na naghihintay sa kanya ay bumaba na kaagad ang kanyang personal driver at ipinagbukas siya ng pinto sa backseat. "I need my laptop," pormal niyang sabi sa kanyang EA na nasa unahang upuan ng sasakyan. Alistong ibinigay sa kanya ni Ramona ang aparato. Hindi siya nag-aksaya ng oras at ginugol niya sa walang tigil na pagtipa sa keyboard ang sumunod na mga sandali. He was so focused. Hindi na niya namalayang dumating na sila sa building ng Altieri Constructions. "Sir, excuse me po," ani Ramona. "Nandito na p

