CHAPTER 14-3

610 Words

Pagkatapos niyang magbihis ay nahiga siya sa kama. Patagilid at pabaluktot. Niyayakap niya ang sarili. Sinusubukang ibsan ang kalungkutan niya. Namuo ang luha sa kanyang mga mata, naglandas sa tulay ng ilong niya, at pumatak sa bedsheet. Napasulyap siya sa kanyang cellphone na nasa tabi ng kama. Wala pa ring text message o tawag mula kay Apollo. Wala ba talaga itong planong kausapin siya? Hindi na naman ba ito magpaparamdam sa kanya? Hindi niya namalayang hinila na pala siya ng antok at pagod. Paggising niya ay hapon na. Napadaing siya nang maramdamang tila nanlalata ang buong katawan niya. Dahil pa rin iyon sa ginawang pag-angkin sa kanya ni Apollo. Tumayo siya at nagpuntang kusina. Nanunuyo ang lalamunan niya. Kumuha siya ng malamig na tubig mula sa fridge. Hawak na niya ang pitsel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD