"P-puwede ba akong maghintay lang dito sa lobby?" tanong niya rito, parang hindi niya narinig ang ipinayo nito sa kanya, bagay na ikinaismid nito. Nagpatuloy siya. "Baka biglang magkaroon siya ng libreng oras o hintayin ko na lang na matapos ang lahat ng meetings niya," pakiusap niya. Gumuhit ang disgusto sa anyo ng mukha ng babae dahil sa pagpupumilit niya, pero kaagad nitong itinago iyon sa likod ng tipid pero mapang-uyam nitong ngiti. Iminosyon ng kamay nito ang mga upuan sa lobby. "Kindly have a seat over there... if you really are that eager to wait." Tumango siya. "Salamat." Tinungo na niya ang waiting area at naupo sa isa sa mga guest chairs. Habang naghihintay ay naglalakbay naman sa kawalan ang diwa niya. Parang anino lang ang bista ng mga taong gumagalaw at naglalakad sa palibo

