Ahtisa, sambit ng utak niya sa pangalan ng dalaga. Ano ang ginagawa nito roon? Huminto siya sa paghakbang. Napasunod ang tingin ng mga kasama niya sa direksiyong pinagmamasdan niya. Dali-daling lumapit sa kanya ang receptionist. "Sir, ahm, ang tungkol ho sa babaeng iyan—" "How long has she been here in the lobby?" pormal niyang tanong, hindi na niya pinatapos ang gustong sabihin ng receptionist. "K-kaninang umaga pa po." Bumaba ang tingin niya sa suot na relo. Alas kuwatro na. "Gigisingin ko po ba siya?" "No, let her sleep." Hindi niya inaalis ang tingin kay Ahtisa. Kahit napakaamo ng mukha nito ay para itong pagod na pagod. May matalas na emosyong gumuhit sa dibdib niya. Akmang hahakbang ang mga paa niya patungo rito nang biglang dumating si Ares. "Apollo!" masiglang tawag ni

