"Utos ni Sir Apollo," sabi lang ulit nito. Napahugot na lang si Ahtisa ng malalim na paghinga, at napilitang inumin ang dapat inumin. Kinalap na ni Ramona ang mga pinagkainan niya. Hinagip niya agad ang kamay ng babae at pinigilan ito. "Ako na ang bahala sa mga iyan! Hindi mo na trabaho iyan!" "Utos ni Sir Apollo," tipid lang nitong wika. Ano ba ang tingin sa kanya ng binata? Baldado? "Sasamahan kita sa follow-up checkup mo," anang babae kapagkuwan. Mabilis siyang umiling. "H-huwag na! Kaya ko nang bumalik sa doktor nang mag-isa." Ang totoo ay nagtataka siya kung bakit pinababalik siya agad. Ang ibang pasyente naman ay isang linggo pa muna bago i-check ulit. "I will have to insist on this matter," giit nito. Kumunot ang noo niya. "Dahil utos na naman ng boss mo?" Pormal itong tu

