"Ahm, mag-a-apply ho sana ako." "Ahh! Mag-a-apply ka bang housekeeping staff?" tanong nito. Ngumiti siya, nagliwanag ang mukha. "Oo sana." "Ay, sige. Ibigay mo lang sa front desk ang resume mo. Hindi ka ba nag-send na lang sa official email ng Casa Ballete?" Umiling siya. "Nagdesisyon akong mag-walk in na lang." Naisip din kasi niyang baka nagka-problema ang kanyang email kaya nawala ang mga soft at saved copies ng resume niya. "Gano'n ba? Sige, bigay mo lang do'n. Tapos ang receptionist na ang kakausap sa 'yo." "Salamat." _____ HALOS hindi makahinga ang Manager ng Payroll at Accounting habang nakatayo sa harapan ni Apollo sa loob ng board room. Paano ay ubod ng tiim at lamig ng tingin niya rito. "I’ve been informed about a payroll confidentiality breach. Explain how this happen

