"Gusto mo ba 'to, Ahtisa? Gusto mong mabaliw ako sa 'yo?" mainit at pabulong na tanong sa kanya ng binata. Sana katumbas ng pag-ibig ang pagkabaliw. Pero hindi. Kahit na mabaliw ito sa kanya, hindi niyon mababago ang katotohanang hindi siya nito mahal. Nababaliw lang ito sa katawan niya. Hindi sa kung sino talaga siya, hindi sa puso niya. Napariin ang pagkuyom niya sa bedsheet nang kagatin ni Apollo ang balikat niya. Pagkatapos ay pinatakan nito ng mainit na halik ang naiwang marka ng kagat nito sa balat niya. Ang sumunod nitong ginawa ay itinulak ng isang tuhod nito ang binti niya pagilid, at hindi na siya nagulat nang maramdaman ang mainit nitong pagkal*laki na nakatutok sa puwerta ng pagkab*bae niya. "I'm putting it in," anito. "If you hate this, fight me. Resist. If you don't, I'm

