"It's still from Yair," malamig nitong sabi. Binuksan nito ang nilalaman ng bagong text message. "If you're free now, let's have coffee together, and I can go over the benefits you'll get if you decide to choose us," basa nito sa mensahe sa kanya ni Yair. Biglang nagpakawala ng tawang puno ng pagkasuya si Apollo. "This kid doesn't know when to stop, does he?" "Apollo!" Lumingap ito sa kanya. His face was grim. "What?" Nakakatakot ang lalim ng boses nito. "W-wala namang masamang intensiyon si Mr. Castoldi." "Yeah, of course," sarkastiko nitong tugon. Kinakabahan si Ahtisa sa anyo ng mukha ni Apollo. "Would you like to have coffee with him?" tanong nito, magaspang ang tinig. Pumaikot ang kamay nito sa baywang niya, tapos ay lumapat ang mainit na palad sa kurba ng kanyang ibabang likod

