“Ano naman ang gagawin ko riyan?” tanong ulit niya kay Apollo. “Use it if you need to buy something. Clothes, exclusive shoes, jewelries, luxury handbags, or high-end skincare and beauty products. Kahit ano, bahala ka.” Pagkatapos maayos ang polo ay kinuha naman nito ang mamahaling relo at isinuot sa kamay nito. “If you want a new car, puwede rin. Para hindi ka na sumasakay ng traysikel. Just remember to let me know ahead of time if you need to be somewhere else. Gusto kong ipinapaalam mo sa akin kung lalabas ka ng bahay at kung saan ka pupunta. I-send mo rin sa akin ang address ng pupuntahan mo. Para alam ko kung saan ka hahagilapin at kung ano ang ginagawa mo. Hindi iyong magugulat na lang ako na nag-a-apply ka ng housekeeping staff sa kung saan-saan.” Napahugot siya ng hangin at sunud

