CHAPTER 92

2359 Words

“Nag-sumite ka na ba ng application para sa agri-entrepreneurship competition?” tanong ni Trinidad kay Ahtisa, sabay sipsip sa straw ng hawak nitong bote ng softdrinks. Si Ahtisa ay tahimik lang na nakaupo sa luntiang damuhan sa gilid ng open field ng Santa Barbara College. Nakamasid siya sa mga estudyanteng naglalaro ng sepak takraw, pero ang totoo ay tagusan lang ang tingin niya sa rattan ball na paulit-ulit ang pagtalbog sa hangin. Kung gaano kadalas na tumalbog sa ere ang rattan ball ay ganoon din yata ang bilang ng hanging hinuhugot niya. “Ahtisa? Hoy! Ahtisa!” untag sa kanya ni Trinidad. Marahan siyang siniko sa braso ng kaibigan, bagay na nagpaigtad sa kanya at maang na nagpalingap sa dako nito, nagtatanong ang mga mata. “Ha? May sinasabi ka?” Bumuntong-hininga ito, at pinukol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD