Pagkatapos maghapunan ay pumasok na sa kanya-kanyang kuwarto ang bawat miyembro ng pamilya Altieri. Si Ruthie ay sinamahan muna sina Apollo at Ahtisa sa magiging silid nila. Huminto sa tapat ng nakapinid na solidong pinto si Ruthie. “Apollo, this will be your room, and the one next to it will be Ahtisa’s,” anang ginang. Nagsalubong ang mga kilay ni Apollo. “Mom, I’m afraid I don’t understand. Ano ang ibig mong sabihin sa 'ito ang magiging kuwarto ko, at sa kabilang silid ang kay Ahtisa?'” tanong ng binata sa ina. “Saang parte ng sinabi ko ang hindi mo maintindihan, hijo?” nakangiting tanong ni Ruthie sa anak. Nalukot ang ilong ng binata. “You’re kidding me, Mom, aren’t you? Bakit magkahiwalay ang kuwarto namin ni Ahtisa?” “Dahil hindi pa naman kayo kasal,” kaswal lang nitong sabi. “W

