CHAPTER 106

2324 Words

Makaraan ang ilang araw ay nagpasya si Apollo na bumalik muna ng Santa Catalina, kasama ng buong pamilya Altieri, at hindi ito pumayag na derecho na siyang tumungo ng Santa Barbara. Naalala pa niya ang araw na naggising siya sa mga kaluskos na tunog ng mga damit, at ingay ng binubuksang zipper ng maleta. Pagmulat ni Ahtisa ay nakita niyang nakapatong sa paanan ng kama ang malaking maleta, at may mga nakatupi na siyang damit sa loob niyon. Kusut-kusot ang mga mata ay hinila niya ang sarili paupo, at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Pinanood niya ang pagparoo’t parito ni Apollo sa loob ng pinaka-silid at walk-in closet. Dala-dala nito ang mga damit niya. Sa sobrang focus nito sa ginagawa ay ni hindi nito napansing nakaupo na siya sa higaan at pinagmamasdan ito. Hindi nito napunang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD