May private jet din naman ang Pamilya Altieri, pero mas pinili kasi ni Ruthie ang sumakay ng commercial flight. Siyempre kung ano ang gusto nito ay siyang masusunod, dahil ito ang ilaw ng tahanan, lalo na at palaging sang-ayon dito ang esposo. Pagdating nila ng airport sa isla ng Negros ay nakaabang na kaagad ang pribadong sasakyan ng pamilya. Si Apollo ay may sariling sasakyan. Ang personal driver niya ay nakatayo na sa labas ng airport at naghihintay. Ang kalangitan ay madilim na. Tiyak na mas lalo pa silang gagabihin sa daan patungong Santa Catalina. Lumingon sa Ruthie kay Apollo. “Bakit hindi na lang kayo sumakay sa sasakyan namin ng Daddy n’yo?” tanong nito sa kanila. Magalang na umiling ang binata. “Mom, magsisiksikan pa tayo sa sasakyan n'yo. Ang laki niyang mga kapatid ko, o.

