Nagpabili si Apollo ng contraceptive pill. Dumating naman kaagad iyon. Nagsuot lang ito ng itim na roba at ito na ang kumausap sa taong nasa labas ng pinto. Tauhan marahil nito iyon. Si Ahtisa naman ay nasa sofa pa rin at nakabalot sa makapal na kumot ang hubad na katawan. Pagbalik ng binata ay inabot nito sa kanya ang pildoras. Akmang ipapasok na niya sa bibig iyon nang hawakan ni Apollo ang kamay niya. Malamig ang kamay ng binata at bahagya pang nagpapawis. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa mukha nito. “Bakit? Expired na ba ’to?” tanong niya. “No…” Umiling ito. “Eh, bakit hinagip mo ang kamay ko? Huwag mong sabihing gusto mo akong pigilan sa pag-inom nito?” tanong niya sa lalaki. Tumikhim ito, saglit na umilap ang mga mata, bago muling tumingin sa kanya. “Do you… do you

