Mahina ang mga yabag ni Ahtisa, bawat paglapat ng mga paa niya sa sahig ay patingkayad at maingat ang mga kilos. Halos hindi na nga niya idikit ang mga paa sa sahig sa pangambang baka biglang lumikha ng ingay iyon. Pigil-pigil ang paghinga na binuksan niya ang drawer, habang ang mga mata niya ay nakamasid sa nakapikit na si Apollo. ‘Matulog ka lang diyan, matulog ka lang,’ paulit-ulit na sambit niya sa loob ng utak. Nang mabuksan ang drawer ay naghanap siya ng puwedeng sulatan. Walang notepad doon, wala ring notebook, walang post-it. May puting business card doon. Iyon lang ang nakita niyang posibleng sulatan. Draft design lang iyon. Hindi pa ang pinal na tarheta para sa CEO. Marahil ay iyon lang ang sample na ipinakita kay Apollo para sa ginagawa ritong panibagong design ng business car

