Mas nauna pang magising ang diwa ni Apollo sa pagsikat ng araw sa kalangitan. Pero gusto pa sana niyang matulog ulit, kaso ay tuyung-tuyo ang lalamunan niya. Iniba niya ang puwesto ng pagkakahiga—mula sa patagilid ay tumihaya siya—at pilit na ipinikit ang mga mata. Subalit hindi maalis-alis ang malalim na pagkakakunot ng kanyang noo. Naiirita siyang umupo at luminga sa paligid. Nasa sofa si Ares, mahimbing na natutulog. Nakabaluktot na ito patagilid, pero umaapaw pa rin ang mga binti nito sa dulong braso ng sofa. Ares was just as tall as him—six feet four inches tall. Hindi man lang ito nagtanong kung kaninong bahay iyon. Batid na nitong may mga propiedad siyang hindi alam ng mga ito. Inabot ni Apollo ang salamin sa mata niyang nakapatong sa bedside table at sinuot iyon. “Ares,” tawag n

