CHAPTER 45

2427 Words

May kalahating oras na buhat nang lumabas si Ahtisa ng opisina, pero si Apollo ay hindi pa rin magawang kumibo mula sa kinaroroonan niya—nakatayo siya at nakasandal ang ibabang katawan sa gilid ng solidong mesa. Nakatingin pa rin siya sa nakasaradong pinto. Ang tensiyong gumapang sa katawan niya ay nagpapalugmok sa linya ng kanyang mga balikat, at ramdam niya ang pakiramdam na tila may pasan siya ngayong mabigat. Kahit na nang may kumatok sa pinto ay hindi pa rin siya gumalaw. Nandoon lang siya. Nakatayo pa rin. “Sir Apollo? Si Ramona po ito. Puwede po ba akong pumasok?” tanong nito sa kanya mula sa labas. “Come in," pagbibigay pahintulot niya rito. Pumasok ang Executive Assistant, kumunot nang bahagya ang noo nito nang mapatingin sa mukha niya, subalit hindi ito nangahas na magkoment

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD