"Magiging miserable rin kayong dalawa na katulad ko." Tumiim ang pagkakatitig ni Apollo sa mukha ni Elara, habang nag-iigting ang mga panga niya. Makikita ang pagpulso ng ugat sa matalas na anggulo ng kanyang panga. Pero isang bahagi ng pagkatao niya ay naiintindihan ang emosyon ng babae. He was never aware that she felt unloved by him. Siguro tama ito sa aspetong ang pinag-uugatan ng damdamin niya para kay Elara ay ang katotohanang ito ang nagligtas sa buhay niya. Because he had never felt as strongly attracted to her as he was to Ahtisa. Totoo rin ang sinabi nitong hindi siya nag-aaya kung ayaw nitong makipagniig sa kanya noon. Ang sinasabi niya sa sarili niya, kaya hindi siya nag-aaya ay dahil hindi naman katawan nito ang habol niya, kundi ang puso nito. And she was right when she

