Nagkasya lang si Apollo na tahimik na pagmasdan si Ahtisa na naglalakad papasok ng airport. Nakaupo siya sa backseat ng pribado niyang sasakyan. Dumating ang personal driver niya kaninang umaga, kaya hindi na kailangang siya pa mismo ang magmaneho ng sasakyan niya. Patuloy na pinagmasdan ni Apollo si Ahtisa. Hindi niya malapitan ang dalaga kahit gustung-gusto niya, dahil may ibang mga estudyanteng nakapalibot dito. Nagsisikip ang dibdib niya, dahil gusto niyang mayakap si Ahtisa, bago man lang ito sumakay ng eroplano. And a part of him was scared because of what he thought had happened to Elara before. Noong inakala niyang namatay sa plane crash ang dating kasintahan. Pero hindi niya hahayaang hadlangan ng takot at pangamba niya ang mga pangarap ni Ahtisa. Isa pa ay kailangan muna niton

