“You don’t have to answer me now, honey. Handa akong maghintay kung kailan ka na handang buksan ulit sa akin nang buong-buo ang puso mo,” anas ni Apollo, hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tumitig nang buong tiim sa mga mata niya. Puno ng intensidad ang kislap na nakapaloob sa mga mata nito. Gumuhit din ang matamis at magaang ngiti sa mapulang mga labi ng binata. Pinagmasdan ito nang mabuti ni Ahtisa. Walang bakas ng pagmamadali o pagkainip sa ekspresyon ng mukha nito. He really was willing to wait for her. Napabuntong-hininga siya. Kinapa niya ang dibdib, alam niyang nagsanga nang muli ang binhing sumibol sa puso niya. “Can I use your bathroom?” tanong sa kanya ng binata. Tumango siya. “Ah, sige.” Tinulungan muna siya nitong ayusin ang damit niya, bago ito humakbang papun

