Umungol si Ahtisa at napasinghap siya nang dumulas ang kamay mula sa kanyang kandungan palaylay sa gilid. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at napatuwid ng upo, pupungas-pungas siyang napalingap sa paligid. Nagtaka siya nang ang bumungad sa kanyang paningin ay hindi ang pamilyar na bista ng bahay niya. Namilog ang kanyang mga mata nang maalala kung nasaan siya—sa lobby ng Altieri Construction! Tuluyan nang nagising ang diwa niya. Marahas niyang inilibot ang tingin sa paligid. Patay na ang ibang ilaw. Wala na rin ang receptionist sa front desk. Paroo't parito ang mga nakasuot ng asul na unipormeng may hawak na mop at nililinis ang sahig. Napalingon siya sa labas ng salaming pader at nahigit niya ang paghinga nang makitang madilim na sa labas. Napahaba ang tulog niya. Pagod na pagod kas

