Hindi maalis ang matamis na ngiti sa mga labi ni Ahtisa habang pinagmamasdan niya ang sariling repleksiyon sa salamin. Nagpaikut-ikot pa siya para mamalas ang kabuuang disenyo ng suot niyang traje de boda. Bagay na bagay iyon sa kanya. Sobrang nagagandahan siya sa tela, sa estilo, sa disenyo, sa mga palamuting ginamit, at lalung-lalo na dahil perpekto iyon sa sukat ng katawan niya. Nasorpresa talaga siya. Akala niya ay walang interes sa kasal nila ang nobyo, pero ngayon ay nabuhayan na siya ng loob. Habang nakatingin pa rin sa salamin ay nakita niya ang repleksiyon ni Apollo. Matikas itong tumayo sa likuran niya, humakbang palapit, hanggang sa wala nang espasyong nakapagitan sa kanilang dalawa. Yumakap ang mga kamay nito sa kanyang baywang, halos kaya nang sapuhin ng dalawang palad nito

