Morphie
DUMATING ang pinakahihintay na tulong ng bawat isa mula sa Palasyo. Akala ko, hindi na magpapadala pa nang tulong ang Lepidoria upang pagsilbihan ang mga sugatan niyang galamay, ngunit ngayon ay naririto na sila.
Si heneral Herbes kasama ang kaniyang mga magigiting na sundalo. Ang mga sundalong ito na kasalukuyang nasa kaharian no’n kaya’t sinamantala na ng mga Mutuah ang pagkakataong ito upang sugurin kami.
Hindi kami nila pababayaan, nand’yan ang kanilang pag-gabay na handang ihandog sa amin. Totoo ngang tungkulin namin na protektahan ang palasyo, gayunpaman, layunin din naman nitong tignan ang kapakanan namin.
“Kinakailangan na madala sa mga halamang manggagamot ng bawat isang nagtamo ng mga pinsala,” ang saad ni Heneral Herbes.
Kagaya ng sinabi ko kanina, marami ang nagtamo ng galos at sugat sa katawan. Hindi naman sobrang napuruhan pero mas maganda kung magagamot kaagad sila. Na-miss kong marinig ang mga halamang manggagamot.
Lahat kaya kami ay maaaring pumunta roon? Gusto kong makita ang kanilang kaharian.
May dala si Heneral na mga sasakyang panghimpapawid, ang katawagan sa mga ito ay Apisaw. Sila ang mga nilalang sa himpapawid na nakatira sa lupain ng Lepidoria. Dumarating sila sa tuwing kinakailangan ng tulong ng kahariang pinaglilingkuran nila.
Sa tulong ng pangitain ni Faireeta Vanessa, nagawa niyang malaman ang ginawang pagsugod sa amin ng mga Mutuah kasama si Sare. Mabilis niyang binalita ito sa mahal na reyna Wineah. Nagpadala ng tulong ang mahal na reyna sa amin at ito nga ang mga Apisaw.
“Tulungan silang makasakay sa mga Apisaw,” ang utos ni Heneral sa mga beterano. Sumunod naman sila at isa-isang isinakay ang mga nasugatan sa nilalang na panghimpapawid.
Nakatutuwang pagmasdan dahil mayroong iba't-ibang kulay ang mga Apisaw. Base sa paniniwala ko, isa na ito sa kanilang disenyo na kahit papaano, dahil sa masarap silang tanawin ay napapawi ang kirot na nararamdaman ng mga nasagutan.
Nakalulungkot lang dahil hindi ko na nakita pa ang mga gamit ko. Kung saan-saang sulok ko sila hinanap ngunit nabigo ako. Umaasa pa ako na makikita ko sila pero magbabakasali nalang ako na nilamon na sila ng madilim na usok kanina.
Mahalaga pa naman ang nga bagay na nasa loob ng bag ko. Nandoon ang mga gamit ko, at ilang importanteng bagay na pinamana pa sa akin mismo ng mga yumao kong mga magulang.
Ngunit wala na akong magagawa, wala na sila. Gustuhin ko man na ibalik sila, hindi ako hahayaan ng pagkakataon.
Patay! Nasapok ko ang noo nang maalala ang maliit na bangang binigay sa akin ni nay Indang. Nadoon nga pala ang bahagharing ahas. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Kung ang mga Fairouah na nagtataglay ng malakas na pangangatawan at may ibang kakayahan ay naging sugatan, siya pa kaya na munting ahas lang? Maharil, isasa-isip ko nalang din na kasama na niya ngayon ang panginoong Jesuah.
Hindi man kami nagkasama ng matagal, hiling ko lang na sana ay patuloy pa rin niya akong gabayan kahit hindi ko na magagawa pang makita ang pisikal niyang presensya. Hindi lang pala ako, kung hindi pati na rin sina nay Indang. Pero ano nalang kaya ang mararamdaman ni nay Indang kapag nalaman niyang nawala si Hela?
Hay, nakakaloka ka Hela! Baka tumakas ka lang ha! Gusto ko pang masaktan si nay Indang! Ikaw ang sasaktan ko kapag nagkita pa tayo!
Nanguna sa paglalakbay sina Heneral, mga beterano’t mga kapitan. Samantalang kami ay maayos lang na nakasunod sa kanila. Sa ibabang bahagi ng Iraqui matatagpuan ang Flora Herbala. Hindi pa ako nagagawi rito, pero nakita ko na ang bakuna no'n dati.
Sa katunayan, kilalang-kilala ang palasyo ng Flora Herbala sa buong Lepidoria bilang tahanan ng mga gifted plants na may angking kakayanan na manggamot ng mga sugat, malala man o maliit. Ngunit lahat naman ng bagay ang may limitasyon, hindi nila kayang bumuhay ng mga napaslang na. Kaya kahit gusto ko mang humiling sa kanila no’n na buhayin nila si Kelly. Hindi ko na tinuloy dahil hindi naman ito kayang gawin.
“Mahusay talaga kayo sa pag-iwas. Sa galing niyo, ang itim na liwanag na ang nahiya at umiwas!” ang sabi ni Noah habang kami ay naririto sa himpapawid.
Hindi ko puwedeng sabihin sa kanila na niligtas kami ni Crozzette, ang asul na dambuhalang tutubi kaya ganito lang ang sinapit namin. Mabubulilyaso ang katauhan niya na mukhang ayaw pa naman niyang ipagsabi kahit kanino.
On the other hand, sana lang totohanin niya ang sinabi niya na parati siyang darating sa tuwing kinakailangan ko ng tulong niya. Pero kahit na nangako siya ay hindi pa rin ako fully aasa as there will be times that she will fail to stay committed to her promises. Ako lang rin ang masasaktan dahil unang-una, ako lang naman ang umasa.
Tamang-tama lang ang klima sa himpapawid, malamig dahil malakas ang pagkumpas ng hangin. Hindi matindi ang sikat ng araw kung kaya't walang dahilan upang mapaso ang mga balat namin.
Ukol sa naaalala ko na naikuwento sa akin ni nanay noong bata pa ako, hindi raw magka-anib ang mga halamang manggagamot at ang Fairouah sa kadahilanang takot raw ang reyna ng mga halaman na madamay sila sa gulong namamagitan sa Fairouah at Mutuah.
Nagmatigas ang reyna, mas gusto niya ng payak at tahimik na pamumuhay kaya hindi siya sumang-ayon sa hiling ni reyna Wineah.
Hnding-hindi ko siya masisisi, ngayon, naiintindihan ko kung bakit ayaw ng reyna na pumayag. Sa buhay kasi, mas maganda na piliin nalang na maging tahimik, pumunta sa payak at simpleng pamumuhay kung saan tayo liligaya. Kung maaari at mas maganda, iwasan ang amunang problema na maaring makapanakit sa nasasakupan natin.
Ito ang desisyon ng reyna, ang pinaniniwalaan niya kaya ito ang pinili niya.
Ngunit sa paglipas ng mga taon, ang tahimik at organisado nilang pamumuhay ay biglang nagulantang dahil sa biglaang paglusob sa kanila ng mga Mutuah. Sinira ng mga ito ang kanilang harding pahingahan, tirahan, at walang awang pinuksa ang payapang mga halaman.
Naghandog ng tulong ang mga taong paruparo upang muli isa-ayos ang kanilang nasirang maliit na kaharian. Sa tulong ng dalawang Faireeta, binigyan nila ng protekasyon ang lugar ng Flora Herbala na walang sinumang Mutuah ang makapapasok sa lugar na ito. Tanging mga Fairouah na may mabubuting puso ang maaaring pumarini.
Dito nag-umpisa ang hindi matutumbawasang tiwala na binigay ng mga halaman sa aming mga Taong Paruparo. Naging kaanib namin sila. Napakalaki ng maitutulong nila sa amin dahil sa angkin nilang pambihirang kapangyarihan.
Ang pinakamahalaga ay ang pundasyong nabuo sa matiwasay na pagsasama.
Mabilis nang marating namin ang lupain ng Flora Herbala. Bumati kaagad sa aming pang-amoy ang kakaibang halimuyak na mayroon ang lugar na ito.