bc

The Insectia War

book_age16+
24
FOLLOW
1K
READ
revenge
friends to lovers
powerful
inspirational
superhero
drama
comedy
bxb
transgender
another world
like
intro-logo
Blurb

Long before, the land of Insectia was united and had no divided kingdoms that separate the kind of Butterfly and Moth Humanoids until the greediness of power arises. The two-winged humanoid specifies formed two kingdoms with each has one God to worship.

The Butterfly Humanoid Kingdom requests every peasant family to join the Warrior Defense Society in order to protect their kingdom from the Moth Humanoids who planned to change their belief system. Only men could participate in the war, Morphie a gay came from a peasant status would resiliently join the knight and save their kingdom from the Moths, being gay in Lepidoria is such a disgrace, however; Morphie will prove himself as he envisions his truth and oddness to be his powerful weapons to stop the unending war.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: MAJESTIC PALACE
“Nayyy!!!” ISANG nakahihindig na panaginip ang gumising sa akin ngayong umagang ito. Ang panaginip na hinding hindi ko malilimutan dahil ito ang sumira sa masaya at makulay na buhay ko. Matindi na ang pagkalumbay ko sa aruga aking mga magulang. Hanggang ngayon ay nag-aalab pa rin sa aking puso ang paghihiganti sa mga nilalang na walang awang pumaslang sa kanila. Nagdesisyon akong lumabas muna ng aking munting tirahang bulaklak upang damhin ang presensya ng mga taong paru-paro dito sa aming komunidad na pinaniniraharan ng mga alipin sa kaharian. Ang tawag sa amin ay Kampensina, kami ang pinakamababang uri ng mga taong paru-paro o mga Fairouah sa aming kaharian na tinatawag na Lepidoria. Ang bawat isang antas sa lipunan ay tunay na may katang-tanging pagkakakilanlan, kaming mga Kampensina ay may asul na pakpak na siyang namumukod tangi sa iba. “Morphie!?” masayang bungad sa akin ni Kelly. Napansin ko na may dala dala na siyang mga kagamitan dahil magsasaayos kami ngayong araw ng halaman sa hardin ng palasyo. Kami ang naatasang gumawa noon dahil may sapat kaming kaalaman pagdating sa mga ganoong uri ng gawain. “Handang-handa ka na ngayon ah!?” nakangiting saad ko dito. Wala nang tao sa paligid at nakakasigurado ako na ang lahat ay nagtungo na sa palasyo kung saan na ninirahan ang reyna upang gawin ang kanilang kinamulatang trabaho. “Para saan pa ba!? Halikana’t magmumog ka muna ng iyong bibig gamit ang tubig sa dahon ng mansanas bago tayo tuluyang tumungo sa palasyo,” utos nito sa akin. Marahil ay naamoy niya ang hindi kaaya-ayang hangin na nagmumula sa aking hininga. Binuka ko ang dalawa kong asul na pakpak at lumipad papunta sa puno ng mansanas upang kumuha ng kaunting tubig upang ipanglinis sa aking bibig. Iniwanan ko muna si Kelly sa kinalalagyan niya upang ayusin muna sandali ang gamit na dala-dala nito. Nang makarating ako sa puno ay agad kong tinutok ang aking bibig sa mga butil ng tubig na tumutulo mula sa puno ng mansanas. Minumog ko ito at matapos ay iniluwa sa aking tabi. Paalis na sana ako ngunit may biglang nagsalita sa gilid ko. Maliit ang boses niya at sobra pa ang pagkamalat nito. “Ang fresh mo ngayon baklang taong paruparo!” nagulat ako sa nagsalita na isang kulay puting Langgam sa harapan ko. “Shhhh!” pagpapatahimik ko. Baka kasi may makarinig sa kanya. Hindi nga ako masyadong showy dahil hindi tinatangkilik sa kaharian namin ang pagiging isang bakla. Hindi ko alam ang sapat na dahilan kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ang ganoong kasarian ngunit lubos ang aking pananalig na balang araw ay lahat ng kasarian na mayroon sa aming mundo ay magkakaroon ng pagkapantay-pantay. “Malalaman din nila iyan soon, waititit ka lang diyan!” huling salita nito sa akin at umalis na. Ay grabe siya! Dapat ba akong kabahan sa tinuran niyang iyon? “Mophie, tara na! Hinahangin na naman ang isip mo, kausap mo na naman iyang mga baging,” pang-aaya sa akin ni Kelly. “Gaga!” sagot ko sa kanya at lumapit sa kinalalagyan nito. Binuka namin ang mga asul naming pakpak at nagsimula nang lumipad patungo sa aming dakilang Palasyo. Ibang pakiramdam talaga ang naidudulot ng preskong simoy ng hangin sa himpapawid. Kahit wala pa akong almusal ay busog na ako sa mga magaganda at maliliit na insektong nakikisabay sa aming paglipad. Ang kakaibang tanawin dito sa kaharian ng Lepidoria ay tila isang paraiso kung susumahin. “Morphie!? Kailan mo ba ako liligawan? Nais ko na ding magkaroon ng mga munting supling katulad ng mga ibong maya,” biglang ani ni Kelly sa akin habang nakatingin sa bandang kaliwa niya kung saan masayang lumilipad ang isang pamilya ng mga ibong tinatawag na Maya. “Tumigil ka nga diyan, Kelly! Alam mo naman na hindi tayo talo hindi ba?” sagot ko dito. Bakla kasi talaga ako mga sister. Nagpapanggap lamang ako na isang tunay na lalaki kapag may iba kaming kaharap o kasama. Alam niya naman ang sikreto ko. Bestfriend ko si Kelly kaya hinding hindi niya ako ilalaglag. Kapag kaming dalawa lang ang magkasama ay puwedeng puwede akong kumirengkeng. “Hayst, Morphie. Sayang naman iyang makinis mong balat,” may panghihinayang na saad nito at naglungkot-lungkutan pa kunwari. “Kilabutan ka naman sa mga pinagsasabi mo, Kelly! Nakakasuka ka!” saad ko sa kanya na may halong pandidiri. Mas binilisan ko pa ang aking paglipad para iwanan na siya, baka mamaya kung ano pa ang masabi nito. Mabilis din ay nakarating kami sa engrandeng tarangkahan ng palasyo. Punong puno ito ng mga makukulay at nagkikinangang mga bulaklak. Ang mataas na bakod na nasisilbing pananggalang ng kaharian ay gawa sa isa sa pinakamatibay na bakal at bato na dito lamang matatagpuan sa lupain ng Insectia. Agad kaming pinapasok ng mga bantay sa tarangkahan dahil matagal tagal na din kami nitong kakilala. Ang mga bantay na ito ay kabilang sa antas ng mga mandirigma na may kulay pilak na mga pakpak. Ang hanay nila ay tinatawag na Cavalleros. Ilang taon na kaming nagsisilbi sa mahal na reyna na napakadalang naming makita. Kahit na ganon, our queen does not give entitlement to anyone, you’ll get the protection you want for as long as you do your job effectively with integrity. Ay napa-English tuloy ako doon. May English dictionary kasing naligaw sa mundo namin. Haha! Naglakad kami ni Kelly papunta sa gilid ng palasyo dahil ang mga halaman sa gilid ang aayusin namin para sa araw na ito. Sa isang maluwang na espasyo ay makikita ang isang grupo ng mandirigma. Tiyak ko na kasalukuyan silang may pagsasanay. “Tayo ng tuwid!” mandong wika ng isang kapitan ng sukbong sandatahan na may mga armas na pana sa kanyang mga tauhan. Kakaiba ang kisig ng kapitang iyon. Ang malaki at matigas nitong katawan ay tila kay sarap pagmasdan. Tila ang isang daluyong baha sa aking bibig ay nag-aadya nang bumulusok anong oras man. “Morphie, iyang laway mo ay tutulo na. Baka mahalata ka nila,” bulong sa akin ng babaeng nasa tagilirin ko. Tama siya. Agad kong inayos ang tindig at pustura ko dahil baka mamaya ay hindi na ako makauwi sa village namin ng may hininga pa. “Masyado bang halata?” mahinang baling ko dito. “Hindi naman masyado. Halatang-halata lang, gagang ito!” Inirapan niya ako at tumalikod na papunta sa mga halaman sa gilid. Ito na naman tayo, kailangang gawin ang trabaho para sa araw na ito. Maharil ay dito na naka-tadhana ang buhay ko. Ang maging isang hardinero sa aming palasyo. Pero may misyon pa akong pinaghahandaan at balang araw ay makakamit ko ang hustisyang sinisigaw ng puso ko. Sa ngayon, ang kailangan kong gawin ay gampanan ang aking tungkulin ng lubos at walang pag-aalinlangan. Ang aming dakilang panginoong si Jesuah ay tiyak akong maykalaan na magandang kapalaran para sa akin. Kahit gaano man ito ka-imposible ay pagtitiwala lamang ang kailangan at maaabot ko din ang mithiing ito. Kinuha ko ang panggupit ng mga sanga sa bag ni Kelly at inumpishan na ang pagtatrabaho. Samantalang si Kelly naman, ang ginagawa niya ay nagtatanggal ng mga bulok na dahon. Lubos ang importansyang mayroon sa Fairouah ang mga halaman dahil ito ang isa sa nagbibigay sa amin ng buhay. Hindi lamang kami ni Kelly ang mga hardinero dito at marami pang iba. “Madalas atang mabulok ang mga dahon ng mga halaman ngayon,” saad sa akin ni Kelly. Tila may nais siyang iparating sa sinabi niyang iyon. “Napansin ko nga din,” bigkas ko. Hindi ako isang Faireeta na may kakaibang kapangyarihan ngunit hindi maganda ang aking kutob sa pangyayaring ito. “Wala lang iyan, huwag mo nalang pansinin,” wika ko Kelly. Ayoko na siyang mag-alala pa. Baka kung ano pa ang pumasok sa isip niya at maging tanda pa ito upang siya ay mabahala. Pinag-gugupit ko ang mga sanga ng halaman na naiiba ng landas, may formation kasi ang mga ito at iyon ang kailangang sundin. Kaya ang tataliwas sa nakasanayang direksyon ay puputulin ng walang awa. Habang ginawa ko ito ay biglang napadako ang aking paningin sa isang mala-cystal na bulaklak, naging dahilan ito upang makita ko ang kabuuang ganda ng palasyo. Ang kulay puting palasyo na pinapalibutan ng mga kakaibang palamuti at disenyo ay tunay na nakakapawi ng pagod. Ang berdeng baging na nakapalibot sa isang sulok nito ay tila sadyang nilagay doon ngunit alam kong ito ay nabuo lamang sa paglipas ng panahon. Ang mga malalaki at kumikislap na bintanang salamin ang nakadagdag sa pagiging maaliwalas nito. Sa bandang beranda ng palasyo sa ikawalang palapag ay ang grupo ng Marabi o ang mga nobles with white wings. Sila ang ika’tlo sa pinakamataas na uri ng mga taong paru-paro sa aming kaharian. Sila ang mga malaya at nagbibigay ng mga suggestion to the queen for the goodness of our kingdom. Pinapangarap din namin dati ni Kelly na mapabaling sa antas na iyon noong mga bata pa kami. Sa pinakatuktok ng palasyo ay nandoon ang reyna ng mga Fairouah na nagngangalang, Wineah kasama ang mga kaanak nito. Siya ay binabantayan ng pinaka-makapangyarihang mandirigma dito sa lupain ng Insectia, siya ang banggit ko kanina na Faireeta. Hindi lang mahuhusay sa pakikidigma ang mga Faireeta dahil sila ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan na bigay ng mahal na panginoong, Jesuah. Ang kuwento sa akin ni inay dati ay dalawa daw ang Faireeta sa kaharian ngunit hindi nito nabanggit kung ano ang dahilan bakit nag-iisa nalang ito ngayon. “Morphie oh,” inabutan ako ni Kelly ng dalawang malaking bulaklak na kulay dilaw na Santan para gawin naming inumin. Ngumiti ako sa kanya at panandaliang binaba ang hawak kong panggupit upang kuhain ang alok niya. Nang makuha ko ito ay nagpasalamat ako sa kanya, “Salamat sa iyo.” Sinipsip namin ang bulaklak ng Santan at ininom iyon. Ito ang isa sa pabirito kong inumin dahil masustansya siya at nakapaghahatid ito ng enerhiyang pampasigla at pampalakas. “Morphie at Kelly,” biglang tawag ng isang lalaki sa amin ni Kelly mula sa aming likuran. Pamilyar ang boses niya at sigurado akong kakilala din namin siya. Lumingon kami ng sabay ni Kelly dito at nakita naming si Psycher ito na papalapit sa amin. “Kumusta na kayo!?” nakangiting tanong nito nang makarating sa aming kinalalagyan. Mabilis ay ginawaran niya ako ng isang yakap at bumulong sa akin na na-miss niya raw ako. Mayari sa akin ay niyakap niya din si Kelly na alam kong magtatampo kapag hindi ginawa ni Psycher sa kanya ang ginawa nito sa akin. Ang laki na ng pinabago sa itsura ni Psycher. Mas lalo pa siyang kumisig at naging hot. Iba na ang dating ng isang ito. Sa tingin ko ay may nagkakagusto na sa kanya na mga kababaihan dito sa Palasyo. “Ayos lang kami. Ikaw kamusta ka na? Guwapings ah!” nakangiting sagot ko dito. Napangisi naman siya sa sinabi ko. Si Psycher ay isang taong lobo na pinalaki ng mga magulang ko. Siya na lamang ang natitira sa kanilang lahi dahil sinunog ang kanilang maliit na kuta ng mga kalaban. Kagaya ko ay nag-aalab din ang pagnanasa niyang maghiganti balang araw. Kaya siya sumali sa hukbong sandatahan na may armas na espada o tinatawag na Lethalia upang maging handa sa mga darating na labanan sa hinaharap. “Oo nga Psycher! Tigas nito ah!” wika naman ni Kelly. Pinisil pa nito ang braso ni Psycher na may burda ng espada. Ang espadang iyon ang tanda na siya ay isa nang ganap na mandirigma. Ang armas nito ay nakalagay sa kanyang bewang. Nais ko ding maging mandirigma ngunit kung papipiliin ako ay ibig kong malagay sa hanay ng mga may pana o tinatawag na, Acrusa. Parang babaihan lang ang datingan. Joke. “Hahaha! Kakaiba kasi ang pagsasanay na ginawa namin kaya naging ganito ‘yan katigas,” nakangiting paliwanag nito. Mahina niyang sinuntok ang kanyang mga braso. Bakas ko ang kasiyahan sa mga ngiti niya. Siguro iyon ay dahil natupad na ang pangarap niyang maging isang mandirigma. “Oo naman, bawal naman siguro ang madaling pagsasanay dahil baka isang atake lang sa iyo ng kalaban ay bawian ka na agad ng buhay, HAHA!” pambibiro ko at nagtawanan kaming magkakaibigan. “Tama ka diyan, Morphie!” wika ni Psycher matapos ang aming halakhak. “May kasintahan ka na siguro sa palasyo no!?” pang-aasar ni Kelly dito. “Wala ah, bawal pa iyon,” tangi ni Psycher. “Buti naman at wala pa,” nakangiting wika ni Kelly at biglang namula ang mga pisngi nito. Kung ano-ano na naman ang iniisip nito. Si Kelly talaga, gustong gusto na atang magkaroon ng sariling supling. Ewan ko sa babaeng iyan. Dilig na dilig na si ateng. “Hehe! Palabiro ka talaga!” nakangising saad ni Psycher kay Kelly. “Oo, huwag mong pinapansin iyang si Kelly. Gutom lang iyan,” wika ko matapos ay tumawa ng mahina. “Alam ko naman. Mga bata palang tayo ay ganyan na iyan,” muling saad ni Psycher. “Oh siya nga pala ako ay aalis na. Tumungo lamang ako dito dahil ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kaunting oras upang makipag-usap sa inyo,” pagpapalam nito. “Sige, paghusayan mo pa diyan ha! Parati mong alalahanin ang rason mo kung bakit ninais mong mapasali sa grupong iyan,” bilin ko dito. Tinapik ko siya sa kanyang braso bilang pagbibigay ng aking support sa kanya at pagpapalakas na rin ng loob nito. Ngumiti ito sa amin at nagpasalamat na bago tuluyang umalis. Ang rason niya ay hindi naiiba sa aking rason. Naniniwala ako ang dahilang pinanghahawakan ko ang siyang magiging tulay upang magtagumpay ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook