Chapter 2: OFFERINGS

2088 Words
Morphie HINDI pa man din sumisikat ang araw ay maagang nagsibangon ang taong nahihiran dito sa kaharian ng Lepidoria ang dahilan nito ay magkakaroon ng engrandeng kaganapan sa palasyo dahil ngayon ang araw nang muling paglabas ng Reyna sa kanyang silid upang magpakilala sa lahat ng Fairouah. Ang lahat ay may kanya kanyang ginagawa sa oras na ito at naghahanda ng mga iaalay para sa reyna. Ako ay humanap kagabi ng mga kakaibang prutas upang gawing alay ngunit hindi ako mismo ang magdadala nito sa altar kung hindi si Kelly dahil mga babae lamang ang nararapat na magbigay ng alay. Iba’t-ibang mga prutas ang aking nakuha at lubos ang aking pagkatiyak na ito ay magugustuhan ng reyna. Habang nakaupo ako dito sa labas ng aking munting tuluyang bulaklak ay napadako ang aking paningin sa mga Chrysalis na nakasabit sa mga halaman, malapit na silang maging isang taong paru-paro. Sila ang isa sa pag-asa ng aming kaharian kung kaya’t dapat lamang na sila ay pagkaingatan. “Iyan ba ang ilalay mo sa mahal na reyna, iho?” salita ng isang ale sa gilid ko. Nilingon ko siya at nakita kong si ate Indang ito. Ang isa sa matatandang Fairouah sa Village namin. Nginitian ko siya at sumagot, “Opo.” Umupo naman siya sa kabilang kahoy at humarap sa akin. “Kakaiba ka talaga sa mga binatang Fairouah dito sa village natin. Ikaw ay halos gawaing pambabae ang iyong nakahiligang gawin, samantalang ang mga ka-edad mo naman ay nandoon sa gubat, sumasalok ng tubig at nagtatanim ng mga prutas at gulay,” mahabang wika nito sa akin. Hindi naman sila bulag upang hindi mapansin ang kakaibang gawain ko kaya hindi ko sila masisisi. Hindi naman nila alam na bakla ako kaya ayos lang iyon. “Hehe. Ganoon po talaga, Nay. Magkakaiba po talaga ang nais gawin ng mga pa-edad na Fairouah,” nakangiting sagot ko dito. Matapos ay pinagmamasdan lamang ako ni ate Indang sa aking ginagawa. Ibinuhol ko ang laso sa basket at tinabi iyon sa gilid. “Kitang kita ko sa mga kilos mo ang yumao mong inay,” biglang wika nito habang pinagmamasdan ng kanyang singkit na mata ang bawat pagkilos ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaunting kirot sa tinuran niya pero ayokong lamunin pa ako ng lungkot. “Opo.” “Hanga nga ako sa iyong bata ka dahil napakabait at ang tatag mo pa, ” wika niya. Nakakahiya naman, pinupuri na ako ni Ate Indang nito. “Kailangan po iyon, Nay. Alam niyo po na nag-iisa nalang ako sa buhay. Kailangang tumayo sa sariling paa,” nakangiting sagot ko. “Oh siya, nobya mo na ba ang dalagitang si Kelly? Parati ko kasi kayong nakikita na magkasama,” usisa nito sa akin. Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin iyan. Nakakaloka! Gusto kong masamid ngunit wala namang laman ang aking bibig. Hehe! “Hala, hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Kelly. May iba pong natitipuhan iyon,” depensa ko. Tumayo ako at pumitas ng bunga ng gintong Alitiris at sinubo ito dahil nakakasuka ng kaunti ang tanong ni Aleng Indang. Hindi ko maisip na aasawahin si Kelly. Kutusan ko pa iyon e. “Oh bakit napasubo ka ng prutas? May nasabi ba akong hindi maganda?” pag-aalala nito. Nilunok ko muna ang prutas bago sumagot. “Naku, wala po Nay. Nakalasa lang po ako ng pait sa lalamunan ko kaya ako pumitas ng prutas.” “Ah…akala ko ay kung na pano kaya na diyan,” saad nito. Sana ay hindi niya mahalata ang pagiging malambot nelie ko. Ay ano ba iyan, nilalamon na talaga ako ng espiritu ng kabaklaan pero ayos lang naman sa akin iyon. Umupo akong muli sa kahoy at pinagmasdan siya. Napansin ko na hindi na ganon kaganda ang pakpak nito at may-kaunting sira na. “Hindi po kayo nahihirapang lumipad? Napansin ko po kasi na may ilang sira po sa inyong pakpak,” tanong ko. Nag-aalala din ako para sa kanya dahil delikado na iyon. Kailangan ay manatili nalang siya sa bahay dahil baka mamaya ay maging dahilan pa iyon ng pagkahulog niya kapag siya ay nalipad. Mas binuka pa nito ang mga pakpak niya upang ipakita ang kabuuan sa akin. “Hindi naman anak, kaya ko pa namang lumipad. Hindi nga lang kasing bilis at ayos kumpara sa inyo.” Hayst… ang buhay talaga ay may umpisa at mayroon ding pagtatapos. Katulad nalang ni Ate Indang. She reminds me to enjoy my present life but also do not forget to prepare for my future. Hindi kami nabubuhay ng walang hanggan dito sa mundo kaya ang buhay namin ay maroon ding hangganan. Pero kaming mga Fairuoah ay naniniwala na matapos ang buhay namin dito sa kalupaan ay aakyat kami sa itaas at makakapiling namin ang aming mahal na panginoon. Nang sumikat si kumpareng araw ay nagpaalam na sa akin si aling Indang na tutungo na sa kanyang mga kasama papunta sa palasyo. “Mag-iingat po kayo,” bilin ko dito bago siya tuluyang umalis. Ngayong lubos na ang liwanag ay natanaw ko na ang mga wangis ng mga Fairouah dito sa village namin. Tunay na handang handa sila na masilayan ang reyna. Ang mga babae ay may bibit ng mga alay. Samantalang ang sa akin ay iniwanan ko muna sa upuan. Ayokong bitbitin ito no, mamaya ay kung ano pa ang isipin ng iba diyan. “Hello, kuya Morphie! Sino ang kasama mong pumunta sa palasyo?” wika sa akin ni Meera. Ang isa sa mga batang Fairouah sa aming village. Hindi pa ganap na asul ang pakpak nito dahil wala pa siya sa tamang gulang na labinlima. Ang presko niyang tignan ngayong umaga. Tila marami itong langis na pinunas sa katawan upang kumintab ang kanyang balat. “Ang ganda mo naman ngayon Meera,” nakangiting wika ko dito. “Kayo din po kuya Morphie maganda…ah---ay este guwapo,” saad niya. Binawi pa nito ang unang niyang sinabi, masaya na ako doon e. “Heheh, ikaw talaga!” Hindi na ako nakapag timpi sa malulusog niyang pisngi at nakurot ko ito ng wala sa oras. “Awww!” mahinang inda nito. Alam ko namang hindi siya nasaktan. Ekspresyon niya lamang iyon. “Si Ate Kelly mo ang kasama ko mamaya,” nakangiting sagot ko sa tanong niya kanina. “Kuya ayan na siya!” utag ni Meera at tumuro sa kanyang harapan. Tama siya. Nakita kong papalapit na si Kelly sa kinatatayuan namin ngayon. Nakakaagaw ng pansin ang suot niyang rosas na kulay berde sa kanyang ulo. “Ang cute mo naman Meera,” wika ni Kelly nang makalapit ito sa amin ni Meera. “Parehas po kayo ng sinabi kuya Morphie,” nakangiting sagot nito kay Kelly. “Cute mo naman kasi talaga.” “Meera, tara na. Tutungo na tayo sa palasyo,” pagtawag ni aling Cherry sa anak. “Kita nalang po tayo sa palasyo, mga ate at kuya!” pagpapaalam nito at lumipad papunta sa ina. “Nasaan na yung alay mo?” Baling ni Kelly sa akin nang makaalis si Meera. “Nandoon sa may upuan, tara!” Naglakad kami patungo sa kinalalagyan ng alay namin ngunit laking gulat ko nang wala na ito sa pinag-iwanan ko. “Nasaan ba diyan Morphie? Iyang kahoy ba ang alay mo?” takang tanong sa akin ni Kelly nang makita ang bakanteng kahoy na wala ni isang bagay ang nakapatong. “Hindi.” Saan napunta ang alay ko? Sino ang kumuha non! “Eh nasaan? Bakla ka! Baka ihampas pa sa atin ng Reyna iyang kahoy, kapag iyan ang ginawa mong alay.” Dama ako ang namumuong pagkaasar sa akin ni Kelly. “Iniwanan ko lang iyon dito kanina, tapos ngayon pagbalik natin ay wala na,” paliwanag ko. Wala talaga akong alam kung saan iyon napunta. “Morphie naman. Alam mo namang kailangang kailangan natin ng alay ‘di ba? Saan mo ba nilagay?” inis niyang turan. Nagkamot ito ng ulo at mahinang napapadyak. “Sigurado ako na diyan ko lang talaga iyon nilagay at nagtataka din ako kung bakit bigla nalang iyong nawala.” Tinuro ko sa kanya ang kahoy na pinag-iwanan ko ng alay namin na ngayon ay wala nang laman. “Hindi mo iyon dito nilagay. Kung nandito lang iyon, hindi iyon mawawala dahil wala namang paa ang alay o pakpak para makaalis diyan. Dapat ay sinabi mo wala kang alay para naghanda din ako ng sa akin kagabi.” Hindi kami nagkakaunawaan, ayaw niyang maniwala sa akin. “Hanapin mo nalang din sa tabi tabi baka nahulog lang,” paki-usap ko. Nag-umpisa na akong maghanap sa paligid sa pag-asang makita pa ang alay na bigla nalang nawala na parang bula. “Anong petsa na Morphie!? Baka hindi na natin masilayan ang Reyna!” May diin ang mga salita niya, pinapahiwatig lamang nito na hindi siya natutuwa. Hindi ko siya niloloko at iniwanan ko lang talaga ang alay dito. Alam ko ang pinaggagalingan ng pakayamot niya at ito ay ang pag-aalala na hindi niya masilayan ang paglabas ng reyna. “Nandito lang iyon e,” maiiyak-iyak kong saad habang binubuklat ang mga dahon ng halaman katabi ng kahoy na pinag-iwanan ko ng alay. Wala nang ibang tao dito sa Village kaya walang makakasaksi sa pagiging mahina ko. Kasi naman ay pinagpuyatan ko iyon tapos mawawala nalang ng basta basta. Gusto kong umiyak ngunit ayoko. Ano ba talaga Morphie? Iiyak ka ba o hindi? Ayokong maging mahina e. “Bahala ka Morphie,” galit na wika ni Kelly. Bigla niya akong tinalikuran at iniwanan na akong nag-iisa sa kinatatayuan ko. Tuluyan na siyang lumipad at hindi na ako nilingon pa. Hala! Anong mayroon sa babaeng iyon? Bakit hindi maganda ang timpla niya ngayon? Buwisit! Sino ba kasing lapastangang kumuha ng alay namin!? Wahhhh! Nakakagigil ng sobra. Ngayon lang kami nagkatampuhan ni Kelly ng ganito. “Ito ba ang hinahanap mo?” salita ng nilalang sa gilid ko habang nakangisi na para bang isang baliw. Nilingon ko ito at nakita si Pedro na hawak hawak ang alay ko. Otomatikong kumulo ang dugo ko dahil sa nasakihan ko. Kagigil itong pasaway na lalaki na ito! “Bakit na sa iyo ‘yan?” asar na tanong ko dito gamit ang malaking boses. Baka mahalata niya na bakla ako kapag naging malambot ako. Nakangisi itong lumapit sa akin at nagsalita. “Bakit mayroon ka nito? Sabi ko na nga ba e, bakla ka!” pang-aasar nito habang tumatawa ng malakas. “Hindi ako bakla no!” angas-angasan kong saad. “Ibigay mo nga sa akin iyan!” “Ayoko! Umamin ka muna na bakla ka!” Tinaas niya ang kanyang braso at pinalabas pa ang mga muscles sa katawan. Oo, may itsura siya pero nakakasuka ang ugali niya. Mga bata pa lang kami ay parati na niya akong inaaasar. Ayoko ko pang umamin ngayon na bakla ako kaya magtiis siya diyan. May tamang panahon para sa rebelasyong iyon. “Oh tignan mo, nasasarapan ka sa mga muscles ko!” pagmamayabang niya habang nakangisi. “Hindi ka nakakatuwa bulol! Ibigay mo nga sa akin iyan!” Akmang kukuhain ko na ang alay sa kanya ngunit bigla niya itong nilayo. Tinignan ko siya ng masama at mabilis na pinalo ng mga pakpak ko sa kanyang mukha na naging dahilan upang mabitwan niya ang alay na hawak niya. Buti nga sa kanya. “Ahhh!” inda nito. Mabilis kong hinitak ang alay mula sa kanya at akmang lilipad na pero nahawakan niya ang isa kong paa at mabilis akong hinila pababa sa lupa. Anong klase gulo ang gusto niyang mangyari? “Dito ka lang bakla,” bulong nito sa akin gamit ang mainit na boses. “Kadiri ka!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatili ako ng malakas. Matapos nito ay tumatawa niya akong binitawan. “Bakla ka nga, Hahaha!” tawang tawa niyang saad. “Anong pake mo!?” taas kilay kong wika. “Salot ka sa kaharian bakla!” saad niya. Mabilis itong nakadampot ng sanga ng puno at binalibag sa akin. Matapos ay umalis na. Hindi ko nagawang makaiwas sa pagbato niya at natamaan ang isang binti ko no’n. Wala na akong panahon para indahin pa ang galos na natamo ko dahil kailangan ko ding masilayan ang reyna. Mas masakit pa ang sinabi niyang salot ako kaysa sa ginawa niyang pagbato sa akin. Muli ay binuka ko ang mga pakpak ko at lumipad na patungo sa palasyo. Sana ay maabutan ko pa ang reyna at makita ko si Kelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD