Present

525 Words
Daan taon ang lumipas at nagawang sakupin ni David ang ibang lugar sa mundo at dito ay tinawag syang “The Conqueror” kumalat ang lahi ni David sa ibat ibang lugar ng mundo. At nagkaroon ng ibat ibang mga kaharian ang limang (lalaki) na mga anak neto. Ang kwento nang kabayanihan ni David ay kumalat sa boung mundo “isang hari, mandirigma, may prinsipyo at Mabuti sa ibang nilikha” kung ilalarawan sya ng karamihan. Ngunit nang pumanaw na si David sa kanyang katandaan, ang mga anak neto ay nabalot ng kasakiman at nagresulta ng paglalaban laban para mapatunayan sa kanilang sarili kung sino ba ang dapat na tawaging pinakamalakas, at dito nagsimula ang gyera sa pagitan ng mga kaharian at lugar. Ilang taon ang lumipas isang sanggol ang natagpuan nang isang matandang lalaki sa gitna ng kakahuyan eto ay si lolo goryo, at pinangalanan nya ang sanggol na kanyang natagpuan na “VITA” iniuwi eto ng matanda sa kanyang bahay. Lumaki ng maayos si vita sa isang maliit na isla ng “OROS”. Sila lng dalawa ang naninirahan sa islang yoon ng kanyang lolo goryo. Ngunit isang gabi ay napansin nang kanyang lolo na parang may kakaibang nangyayari sa buong isla ng oros. Napag-alaman ng matanda na merong pumapatay sa mga hayop sa kagubatan at sa gabi lamang eto umaatake. Nang umedad na si vita nang labing tatlo ay napag utusan sya ng kanyang lolo goryo na umigib sa ilog ng maiinom nila sa gabing yoon. Habang sumasalok ng tubig si vita sa ilog ay may isang malakas na alulong ang nagpayanig sa kanyang katawan. Ilang taon na naninirahan sila ng lolo nya sa isla pero ngayon lang sya nakarinig ng ganung klaseng tunog ng hayop. Nang hind isa kalayuan sa tabi ng ilog ay may lumabas na isang napakalaking aso na may hugis katawan ng isang tao, malago ang buhok sa katawan neto, may matatalas na kuko at matatalim ng mga ngipin. Nataranta si vita sa subrang takot sa nasaksihan at tumakbo eto ng mabilis papalayo sa kakaibang nilalang na iyon. Ngunit sadyang napakabilis ng nilalang nay un at nang kakagatin na si vita ay bigla nalang etong tumilapon sa malayong lugar dahil sa pagkakapalo ng di maaninag na imahe sa subrang dilim ng paligid. Napaka dilim ng gabi sapagkat nababalutan ng ulap ang buwan. Nang bumangon ang nilalang mula sa kanyang pagkakatalsik at tila lalo lamang etong nagalit at mas pumula ang mata neto at mas lumaki pa lalo. Mabilis na pumwesto ang misteryosong imahe sa harapan ni vita, at nang mabilis na sumugod ang nilalang sa misteryosong imahe, ay nagpakawala ang napaka kalmadong aura at naramdaman ni vita eto sa kaloob looban ng kanyang katawan na waring nagsasabi nang wag kang matakot ligtas kana sa panganib. Habang ang nilalang ay papaatake ay hiniwa lamang sya ng misteryosong imahe nang kanyang espada at ito’y nahati na parang isang papel at biglang na lang naluwas nang mabilis. Dahan dahan naman nawawalan ng takip na ulap ang buwan at bago pa mawalan ng malay si vita ay malabong naaaninag nya ang misteryosong imahe na kahawig sya ng kanyang lolo Goryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD