Nang magkamalay si vita ay nasa kanilang bahay na eto. Takot na takot eto na sumigaw galing sa pagkakatulog dahil napapanaginipan nya pa lahat ng pangyayari sa ilog.
“Ayon kay Vita” – sumigaw ng malakas nang : wWWaahhhhh!!! Halimaw! Halimaw! Lolo isang napakalaking halimaw.
“Ayon kay Lolo Goryo” – Bang-Aw!!, Bang-aw ang tawag sa nilalang nay un.
“Ayon kay Vita” – teka muna lolo? Ikaw po ba yung misteryosong imahe na nagligtas po sa akin sa ilog.
“Ayon kay Lolo Goryo” – Oo! Ako apo, ang halimaw na yun kagabi ay matagal ko nang inaabangan, sya ang bang-aw kilalang hayok sa pagkain ng laman at dugo ng mga hayop, nagkataon lang na ikaw ang napagbalingan ng kanyang gutom kaya ka niya inatake. Isang syang elemento na tuwing gabi umaatake. Panahon na siguro para malaman mo ang tunay na katotohanan na bumabalot sa mundong eto. Meron ibat-ibang lahi ang nabubuhay sa ating mundo andyan ang mga halimaw, Elemento, tao at ang mga nakakatakot na dyablo. Ang mga halimaw ay kilala sa kanilang bilis at lakas, ang mga elemento naman ay kilala sa kanilang malalakas na majika, ang mga dyablo naman ay mapanlinlang at likas na masama at galit sa mga tao, ang mga kagaya nateng tao tayo ang pinaka misteryoso sa lahat kasi hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng kapangyarihan, noong unang panahon, ayon sa kasulatan ng unang mga nilalang mapayapa daw ang mundo at ang tao ay makapangyarihan ngunit isang nilalang ang sumira ng lahat. Sya ang pinuno ng mga dyablo, Si Lucifer at sya’y patuloy na namumuhay sa mundong eto maraming nagsasabi sa nananahan sya sa pinakailalim ng mundo gawa ng kanyang kasalanan at kailanman ay hindi makakabalik sa itaas. Ngunit patuloy parin ang kanyang paglakas sa kadahilanang gusto nyang makapunta dito sa lupa para ubusin ang mga tao. Kaya gumagawa sya ng paraan para mangyari eto. Merong isang tao ang nagpatunay na hindi mahina ang mga tao sya si haring David. Nagpatunay na ang tunay na kapangyarihan ay nasa sarili lang naten at kelangan lang naten palakasin gamit ang at pakiramdam kung saan malakas ang tao, dahil sa pag-aalala neto sa kapwa tao nya.
Gulat na gulat si vita sa winika ng lolo goryo nya, at kinabukasan ay nag tungo silang maglolo sa kalagitnaan ng kagubatan ng oros, hindi alam ni vita kung anong pakay nang kanyang lolo na pumunta sa gubat, at nang marating nila ang kalagitnaan ng gubat ay marahan nagtanong si vita sa kanyang lolo goryo ng:
“Ayon kay Vita” – Lolo ano po ang rason naten bakit po tayo pumunta sa kalagitnaan ng gubat?
“Ayon kay Lolo Goryo” – Mageensayo tayo apo! palalabasin naten ang yung “kamalayan”.
“Ayon kay Vita” – Lolo ano po ang “kamalayan”?.
“Ayon kay Lolo Goryo” –Ang “kamalayan” ay ang mga bagay na hindi maipaliwanag ng mga normal na tao, kung bakit meron tinataglay na kapangyarihan ang ibang nilalang sa mundong ito. May tatlong bagahi ang kamalayan ito ang mga sumusunod: “ Pakiramdam, Paningin at ang Lakas”. Tatanungin kita vita ano ang nararamdaman mo sa paligid?
“Ayon kay Vita” – hmm? Mga punong kahoy po lolo.
“Ayon kay Lolo Goryo” – hahaha, oo tama ka dyan apo, pero tandaan mo lahat ng bagay na nasa mundong ito ang may tinatawag na “Aura”. Tao, hayop, halimaw, elemento at kung ano ano pa, ay meron tinatawag na aura. Ang aura ay mararamdaman nang katawan mo. Ngayon vita ikalma mo ang yong sarili at pakiramdaman mo lahat ng nasa paligid mo. Isipin mo na parang ang buong katawan mo ay lumilibot sa boung kagubatan.
Habang ginagawa ni vita ang sinasabi sa kanya ng kanyang lolo ay hindi nya pa din ito labis na maintindihan ni hindi nya maramdaman kung nasan ang aura ng lolo nya sa paligid. Ipinaliwanag din kay vita ng kanyang lolo na lahat nang bagay sa mundo ay binubuo ng espiritual, meron espiritual na meron physical na kaanyuan kagaya ng tao, hayop, lupa ,tubig at iba pa. pero meron sa mundo na nilalang na walang physical na kaanyuan yan ang elemento at mga dyablo, Nagkakaroon lang sila ng physical na kaanyuan gamit ang kanilang mga aura. Ipinakita ni lolo goryo kay vita kung ano ang pakiramdam.
“Ayon kay Lolo Goryo” – obserbahan mo akong mabuti vita, ipipikit ko ang aking mata.
Ipinikit ni lolo goryo ang kanyang mata at nagpakawala eto ng napakalakas na aura ng pakiramdam at halos balutin neto ang buong isla, at sa ilang segundo lamang ay nalaman ni lolo goryo ang lahat ng eksaktong lokasyon ng mga bundok, hayop , puno at miski ang dalang tirador ni vita sa kanyang bag. Namangha si vita sa kanyang nasaksihan at gustong gusto nya etong matutunan.
“Ayon kay Lolo Goryo” – ngayon vita, ikaw naman, pipiringan ko ang mga mata mo at hahanapin mo ang piraso ng kahoy na itutusok ko sa dalawang metro ang layo sayo.
Lumipas ang halos limang oras na paghahanap ni vita ay natuklasan nya rin kung papaano gamitin ang pakiramdam, kumalma sya sa pagkakatayo at parang ang isip nya ay isang napakalmadong tubig sa ibabaw ng baso at inaaninag nya ang lahat nang maabot ng kanyang pakiramdam. At sa wakas ay napagtagumpayan nya ang unang pagsubok na binigay sa kanya nang kanyang lolo.
“Ayon kay Lolo Goryo” – hahaha!sa wakas naintindihan mo na apo ang pakiramdam, ngaun sunod eh mas mahirap na.
Ibinato nang kanyang lolo ang maliit na bato at tinamaan si vita sa katawan at tumilapon sya ng malayo. At nang babangon ulet si vita ay pinukol nanaman sya ng kanyang lolo at sa pagkakataong iyon ay nakaiwas na sya kahit sya ay nakapiring. Nang halos umabot ng 1 oras na pagpukol kay vita ay tumigil na ang matanda. Nang bigla naman pinukol si vita ng patalim ni lolo goryo ng napakabilis at laking gulat ni vita na nalaman nya na patalim eto at naiwasan nya ito.
“Ayon kay Lolo Goryo” – hahaha! Magaling apo, ahahhaha! Nalagpasan mo ang pagsubok ko ang kelangan mo nalang ay ang palakasin at palawakin pa eto. Pero meron bagay ako sayo na hindi maituturo kasi etong ipapakita ko sayo ay nakukuha lamang sa emosyon ng isang nilalang at sa aktwal na pakikipaglaban. Meron dalawang abanteng bahagi ang pakiramdam, ang tinatawag na “murderous” at “protection” ipapakita ko sayo kung ano ang protection.
Muling kumalma si lolo goryo at naramdaman eto ni vita, aura na naramdaman nya na nung inatake sya ng mabangis na halimaw sa ilog.
“Ayon kay Lolo Goryo” – eto ang protection marahil nararamdaman mo na eto, eto yung ginamit ko nung inatake ka ng mabangis na Bang-aw sa ilog at pakiramdam ko din yung dahilan kung bakit ko nalaman na nasa panganib ka. Ngayon ipukol mo saken ang hawak mo na punyal.
Natatakot si vita na ipukol sa lolo nya ang punyal ngunit nagpupumilit ang matanda na gawin eto, nang hindi na nya mapigilan ang kagustuhan ng matanda ay ibinato nya eto ng napakalas subalit ni hindi man lang eto lumapat sa matanda at ang laking pagkamangha ni vita sa kanyang lolo.