34 - Heartbeats “Why did you have to arrange the seats this way, Heart?” kunot-noong tanong ko sa sekretarya ko na nakaupo sa gitna namin ni Anton. Hindi ko maitago ang inis na nararamdaman ko. Seating on the same row with Anton is the least thing I would want to do. Tumingin sa akin si Heart nang may nagtatakang ekspresyon. “Bakit po, sir? May problema po ba sa seating arrangements?” “Yes. A big problem,” walang pagdadalawang-isip kong tugon. “I don’t want to sit with him,” dagdag ko. Sinadya ko talagang lakasan para marinig ni Anton at malaman niya na hindi ko siya gusto just as much as he dislikes me. Heart looked at me and sighed. “Sir, kaya nga po nasa gitna n’yo ako para hindi kayo magdikit,” mahinahon niyang paliwanag. “At isa pa, mahigit isang oras lang naman ang biyahe natin.

