35 - Stealing Her Summer’s Point of View Kanina ko pa napapansin ang pagsusungit sa akin ni Sir Alexander kahit wala naman akonhg masamang ginagawa. Simula nang bumaba kami ng eroplano ay puro pagsusungit na lang ang ipinapakita niya sa akin. Napapaisip tuloy ako na baka galit siya sa akin dahil sumandal ako sa balikat niya. Well, kung gano’n ang rason, he could have just pushed my head away. Pwede naman akong sumandal sa upuan o ‘di kaya sa balikat ni Sir Anton. “Head count po muna tayo,” sabi ko sa mga kasamahan namin nang makasakay kami sa van na maghahatid sa amin sa port kung saan naghihintay ang sasakyan namin papunta sa isang exclusive resort na pagmamay-ari ni Mr. Demetrioff na kaibigan ni Sir Alexander. Nang matapos akong magbilang ay naghanap na ako ng mauupuan. And the on

