58 - Their Pains & Promises Summer’s Point of View “Hey, are you okay?” tanong sa akin ni Alexander habang nagmamaneho siya. Ipinatong niya ang kamay sa hita ko at marahan itong pinisil. “Heart…” “Okay lang ako,” sabi ko sa kanya saka ako tumingin sa labas. “But I don’t think you are,” aniya. Bakas sa boses niya ang lungkot. Itinabi niya ang sasakyan saka ako matamang tiningnan. “Hey, tell me—may nagawa ba akong mali?” “Wala,” tipid kong tugon. “Hindi ako naniniwala,” giit niya. “Kung wala akong nagawang mali, then why do I feel like you’re being distant?” Huminga ako nang malalim saka siya hinarap. “Na-off lang ako, pero lilipas din ‘to.” “Was it because of what I did?” aniya saka inabot ang kamay ko at marahang pinisil. Dama ko ang init ng dalawang palad niyang pinapagitnaan ang

