94 - Signs Summer’s Point of View Two days. Two days na kaming walang kibuan ni Alexander—hindi dahil sa hindi niya ako sinusubukang kausapin kundi ako mismo ang umiiwas. Labis-labis talaga ang pagtatampo ko sa kanya, dahil pakiramdam ko balewala ang lahat ng mga ginagawa ko para sa kanya, para sa relasyon naming dalawa. “Aren’t you gonna talk to him?” tanong sa akin ni Sir Anton nang mailapag ko sa mesa niya ang folder na hinihingi niya. “Sino po?” pagmamaang-maangan ko kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. “Your boyfriend,” diretsong sagot niya. “I know something’s going on with you two—not that I am trying to pry but I can see it,” aniya saka ako tiningnan nang diretso. “Pabalik-balik na siya rito sa opisina for the past two days. Kahit na hindi ko hinihinging docume

