93: A Step Closer Summer's Point of View Mugto ang aking mga mata nang makauwi ako ng bahay. Dama ko na ang bigat ng mga ito dahil kanina pa ako iyak nang iyak sa labis na sakit at prustrasyong nararamdaman ko. Tinanong pa ako ng taxi driver kanina kung ayos lang ba raw ako dahil iyak ako nang iyak. Pagkapasok ko ng bahay ay natigilan ako nang makasalubong ko si papa na palabas na rin sana. Kita ko kung paano siya mapatitig sa aking mukha kaya mabilis ko itong iniwas, pero huli na. “Anak, anong nangyari?” nag-aalalang tanong niya. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Ganitong-ganito ang mukha niya sa tuwing nadadapa ako dati at nasusugatan. Ganitong-ganito ang mukha ng amang mahal na mahal ko; ng taong hindi ko lubos akalaing mang-iiwan sa akin. “W-Wala,” tanggi ko at akma

