54 - Meet the Fam Summer’s Point of View “Latrisse!” Napatili na lang ako nang pagkapasok na pagkapasok ni Latrisse ay sinugod niya si Alexander. Agad niya itong kinuwelyuhan. “Stay away from my friend, Alexander!” singhal niya rito. Nanlilisik ang kanyang mga mata at mukhang handa-handa talaga siyang makipagpatayan. “Latrisse, calm down!” Hinila ko na siya palayo at niyakap para ‘di na siya makagalaw pa. “Let me go, Summer!” Nagpumiglas siya sa akin pero hindi ko siya hinayaan. “Kumalma ka kasi muna,” sambit ko. “Let him talk, please.” “Are you taking his side?” Hindi makapaniwalang sabi niya. Tinaasan niya ako ng kilay. “Are you seriously letting him fool you?” “Just hear him out, please?” malambing kong pangungumbinsi. I know she can’t resist it when I beg her like this. Tu

