102 - Teaming Up Muling sinulyapan ni Francisco ang kanyang anak na mahimbing na natutulog. Payapa ang mukha nito pero bakas sa mga mata nito ang labis na pag-iyak—mugto at nangingitim. Hindi niya mapigilang maawa rito. Hindi niya mapigilang makaramdam nang labis na konsensya dahil ito ang nagdurusa sa mga maling nagawa niya. “Len, kung magtanong si ate mo kung nasaan ako mamaya paggising niya, sabihin mong nasa nurse station lang ako, ha?” habilin niya sa dalaga. “Bakit, ‘pa, may pupuntahan ka ba?” Mabilis siyang tumango. “May aasikasuhin lang ako,” aniya saka kinuha ang pitaka at naglabas nang iilang kulay asul na papel. “Heto, panggastos. Tawagan mo ako kung sakaling biglaan akong kailanganin dito, ha?” “Okay po. Saan po pala kayo pupunta?” “Basta,” aniya at tipid na ngumiti rit

