101 - A Blessing or Not?

1530 Words

101 - A Blessing or Not? Napangiwi si Summer nang magising siya sa labis na sakit na nararamdaman sa kanyang ulo; parang binibiyak nang paulit-ulit—nakakapanhina, nakakahilo. Halos gumulong siya papunta sa gilid ng kama makabangon lang. “A-Anong oras na ba?” nanghihinang tugon niya saka inilbot ang mga mata sa kwarto at hinagilap ang bintana para tingnan kung maliwanag pa ba o gabi na. Nasapo niya ang kanyang ulo nang makita ang madilim na kalangitan. Ilang oras ba akong tulog? Tuluyan siyang bumangon at naghanap ng makakapitan dahil pakiramdam niya’y matutumba talaga siya dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod—marahil sa kawalan ng laman ng kanyang tiyan. Ngunit kahit na ilang beses na siyang hindi kumakain ay hindi siya nakaramdam ni katiting na gutom dahil mas nangingibabaw ang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD