100 - Beyond the Lies “Ate, kumain ka na…” Bakas sa boses ni Lenlen ang labis na pag-aalala habang nakatingin sa kapatid na nakahiga lang sa kama at walang imik. Hindi niya mapigilang maawa sa kalagayan ng ate niya. Parang dinudurog ang kanyang puso sa nakikita. “Ate, sige na please? Pinagluto ka namin ng lugaw. Kahit ito na lang ang kainin mo. Isang buong araw ka nang walang kinakain.” Napagdikit na lang niya nang mariin ang kanyang mga labi nang hindi siya kibuin ng Ate Summer niya. Tinitigan niya ang mukha nito. Walang kahit na anong bakas ng kinang ang mga mata nito—mugto, namumula, at halos maningkit na kakaiyak. Bakas na rin ang kulay itim sa palibot ng mga mata nito. Isang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang napakalaking rebelasyon na gumulantang sa kanilang lahat. Sa

