33 – A Break Summer’s Point of View “Tawagan mo ako agad, ha, kapag may mga kailangan dito sa bahay,” bilin ko sa kapatid ko saka ibinigay sa kanya ang iilang one-thousand peso bill. “Kung kulang pa ‘yan, magsabi ka lang at maghahanap ako ng paraan para makapagpadala.” “Ate, kasya na ‘to,” sagot niya. “Sobra pa nga ‘to, eh.” “Basta ‘wag n’yong tipirin ang gastos dito sa bahay. Ilang araw din akong wala,” paalala ko. Ngayon kasi ang araw ng bakasyon namin nila Sir Alexander. Nauna na ang ibang departments nitong mga nagdaang araw. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung mai-enjoy ko ba ang bakasyong ‘to lalo na’t mga executive ang kasama ko. May mga secretary din naman pero ‘yon nga lang ay hindi ako close sa kanila. Bihira ko lang silang makausap sa trabaho, ‘at ‘yon ay sa mga panahong ka

