Prologue
Walang reaksyon ang lalaki na pinapakita. Hindi niya mabasa kung anong nasaisip nito. Itataboy ba siya ng lalaki?
"You are this brave to show yourself and beg for my help after what you did, woman?!" Dumagundong ang tinig ng lalaki sa buong kwarto.
Kumalabog ng mabilis ang puso niya. Natatakot sa anong gagawin sa kanya ng lalaki. Ganito pala ito magalit. Ito pa naman ang nagbigay sa kanya ng rason kung bakit kailangan niyang lumaban sa buhay. Nagtiim bagang ito habang nakatitig sa kanya na may nag-aalab na galit sa mga mata.
Nakaluhod at parang sisiw siyang humahagulhol. Kaawa-awa siya, alam niya iyon.. Pero ano naman kung kaawa-awa o mukha siyang tanga. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin o kung anong gagawin sa kanya ng lalaki. Basta sagipin lang nito ang taong importante ng higit pa sa buhay niya.
Kung hinid rin naman mabuhay ang taong yun mas mabuti pang sumama na lang siya dito.
All these years wala siyang ginawa kundi magdasal na mawala sa landas nila ang lalaking nasa harap. Masama ang hiling niyang iyon pero kung ito lang ang paraan para mabuhay sila ng matiwasay ay hindi siya magsasawang ipanalangin na mawala ang lalaki. Ngunit iba na ngayon. Araw-araw siyang hihingi ng tawad sa Diyos at manalangin na patawarin ang mga kasalanan nito, mabigat man o magaang.
Ilang taon na rin ang lumipas simula nung tumakas siya mula sa kamay nito. Akala niya'y hindi na sila magkikita pero isang pangyayari lang ang naganap at nandito na naman siya sa harap nito, humihingi ng tulong.
"Please. Maawa ka. Sagipin mo siya. Huwag mo namang hayaan na mawala siya sa akin. Kung gusto mo'y kunin mo ang buhay ko kapalit ng sa kanya. Mahal na mahal ko siya, please. " Parang gripo ang mga luha niya, walang tigil sa pag-agos.
Para siyang bumalik sa pagkabata dahil sa malakas niyang pag-iyak.
Seryoso lang na nakatingin ang lalaki sa kanya. Hindi ito gumagalaw sa kinauupuan nito. Naninimbang ang mga mata nito at pagkatapos ay mariing pumikit.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Sa sobrang iyak ay sinisinok na siya. Namumula na rin ang mata.
Puno ng dugo ang katawan niya. Ang t-shirt niyang mahaba ay naging crop top na at imbes na kulay puti ito ay naging pula na. Ang kulay asul niyang jeans ay gusot. Suot pa ang isang flat sandal sa kabila at ang isa ay wala, nakapaa na lang ito. Hindi na niya inalintana o inisip kung saan na ito. Mapapalitan pa naman yun pero ang buhay na pinaglalaban niya ay hindi na.
"D-di ba, mayaman ka naman? K-kaya mong sagipin ang buhay niya! Please. Please. Please." Another set of tears streaming down to her face. Magulong-magulo ang utak niya, mas magulo pa sa buhok niya.
Tinaas ng lalaki ang kamay, sumesenyas na tumigil siya. Ang kaninang nakapikit na mata ay dumilat at mariing nakatingin sa kanya. Napatigil siya sa pay-iyak pero lumalabas ang sinok niya bawat limang segundo. Nagpunas siya ng luha gamit ang likod ng palad at sininok na naman siya.
Kumunot ang noo ng lalaki. May inabot ito sa lamesa, isang tissue box. Binigay ito ng lalaki sa kanya.
"Sa-" hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa lumalabas na sinok. "Salamat." Mabilis ang pagkakasabi par hindi maabotang ng sinok.
"Fix yourself, woman." Saad ng lalaki at kinuha ang telepono nito, may dinial.
"Yes, Luigi. Ikaw na bahala." Pagkatapos ay binaba na nito ang telepono.
Namumula at namamaga ang mata niya. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod pero hindi pa naman siya nakakatayo ay umikot na ang paningin niya at dumilim.
****
He poured some wine in his wineglass not bothered about the woman who's lying in the floor, passed out. Malaki ang galit niya sa babae. Malaking malaki. Lalo na sa ginawa nito. Anong karapatan nitong hingiiin ang tulong niya. Matapos siya nitong takasan at tumakbo kasama sila.
Damn this woman.
Sumimsim siya sa basong hawak at umigting ang panga ng matitigan ang katawan ng babaeng puno ng dugo. Huminga siyang malalim at nilapitan ito. Marahan niyang pinatong ito sa bisig na parang bagong kasal.
"Please." The woman murmured.
Maybe of too much fatigue that's why the woman passed out.
"Of course I'll help but don't expect that you'll get away from me. Cause this time I will tie you in my bed, real tight." He said darkly, buhat ang babae palabas ng opisina niya.