Kabanata Lima

1678 Words
HINDI niya magawang magdiwang sa naging resulta nang napagkasunduan kanina sa Guidance Office. Nakalabas na silang tatlo at naroon sila sa ilalim ng punong Narra nagpapahinga. Alas-diyes pa lamang ng umaga. Bago umalis ang mga magulang nilang tatlo ay nakatikim pa sila ng katakot-takot na sermon. Kanina ay napag-usapan ang tungkol sa bomba at ang pag-aaway nila ni Loren. Nanalo naman siya pero hindi siya masaya. Nasolusyunan ang kaso sa bomba at napagpasiyahang magbabayad na lamang ang mga magulang nila sa mga damages. Humingi ng tawad ang mga magulang nila ngunit hindi sila. Pakiramdam nila ay kalokohan iyon sapagkat ginusto naman talaga nila ang nangyari. Habang si Loren naman ay nagawa niyang ipa-kick out sa school, gayong siya naman ang nagsimula ng gulo. Kung paanong nangyari ay isa lang ang dahilan, dahil sa tulong ng matalino niyang utak. Yes. Ang kuwento niya sa principal, gusto niya lamang sana kausapin si Loren tungkol sa bintang nito ngunit kaagad itong nag-histerikal at kung anu-ano ang sinabi sa kaniya. Bilang isa raw mainitin ang ulo ay malamang na susunggaban niya kaagad ito kaya tuloy ay natamo nito ang mga pasa sa mukha at nasira niya ang blusa nito, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may patalim itong dala na nasa palda. Kabigla siya nitong pinadaanan ng patalim sa mukha nang nasa ibabaw siya ni Loren--na siyang hindi naman talaga totoo lahat. She just made the half of the story. Ang totoo ay pinatid niya ito nang sana'y dadaan ito sa harapan niya kaya ito nainis. Doon na niya ito kinompronta at dahil wala siyang kinatatakutan at sanay na sanay siya sa ginagawa ay mabilis niya itong napasuko, nawalan si Loren ng sasabihin at mukhang gusto na lang umiyak. Ginalit niya pa ito at hiniklat ang long eyelashes nito sa kanang mata. Doon na ito tuluyang napuno at akmang sasabunutan siya nang pilipitin niya ang kamay nito at hinablot ang mahaba nitong buhok saka winasiwas at isinubsob sa semento. Pumaibabaw siya rito at pinunit-punit ang blusa hanggang sa lumitaw na ang kalahati ng bra nito. Puro gasgas at pasa na ito nang biglang may kuhanin mula sa bulsa at doon siya nagulat nang makitang maliit na kutsilyo iyon. Hindi kaagad siya nakakilos sa pagkagulat at hindi naiwasan ang paghiwa nito sa kanang pisngi niya. Sumidhi ang kirot doon at ramdam na ramdam niya ang dugong nag-aagusan. Dahil sa galit ay sinakal niya si Loren at pinagsusuntok ang mukha. Iyon ang totoong nangyari. Hindi naman na nakalaban pa si Loren nang nagsimula na siyang magkuwento. Gusto nitong tumutol pero magaling talaga siyang manisi at magpaawa na akala mo ay nararapat na ibigay sa kaniya ang habag. Sinabi ng mga awtoridad sa loob ng office na kahit sino ang nagsimula ng gulo ay hindi pa rin tamang magbaon ng patalim sa school at gamitin iyon sa kaeskuwela lalo't minor silang pareho. Kaya ang resulta ay na-kick out ito. Natuwa siya dahil mahihiwalay ito kay Peter at mawawalan siya ng peste sa buhay, ngunit nang sabihing suspendido muli silang tatlo sa loob ng dalawang linggo ay gusto niyang magwala. Ano pa't mawawalan siya ng karibal kay Peter ngunit hindi naman niya ito makikita sa loob ng dalawang linggo? Hindi niya kaya! Paano niya ito bubuwisitin? Paano niya ito makikitang magkasalubong ang mga kilay at namumula ang mukha sa inis? She hated the thought! That's torture for her. "Ano na'ng gagawin natin?" nagmumuryot na tanong niya sa dalawang nakahiga sa damuhan. "Okay lang sa akin, at least matutulog lang ako nang matutulog tapos maglalaro ng arnis at maglilibot sa resort," sagot ni Yunik na walang bahid na pagsisisi. "It's better this way, at least hindi ko kailangang magpanggap na may sakit sa loob ng dalawang linggo," sagot ni Kudo na nasa ilalim ng ulo ang mga kamay. Naiinis na pinagbubunot niya ang kawawang mga d**o sa tabi niya. Palibhasa ay wala namang poproblemahin ang dalawang ito gaya ng problema niya. She wanted to see Peter! Peter! Peter! Peter! Only Peter! Paano kung sa dalawang linggong wala siya ay makahanap na naman ito ng bagong liligawan? No! She won't let that happen! "Loons, tulungan n'yo ako! Ayokong mag-stay sa bahay sa loob ng 24 hours! Gusto ko makita si Peter!" aniya at niyugyog ang balikat ng mga ito. "'Yan... 'yan na naman pala pinoproblema mong brat ka. Kaya pala hindi ka na naman makalma diyan at ang gulu-gulo mo," inip na wika ni Yunik. "Hindi ka mahal n'on. Gigil nga sa 'yo 'yon, eh," dagdag pa ni Kudo. "Wala akong paki. Sinabi ko ba na kailangan gusto niya rin ako? H-hindi, 'no!" Iniwas niya ang tingin at huminga nang malalim. Pinigil niya ang lungkot na nag-aanyaya. "Bakit kasi hindi ka na lang umamin? Madali lang naman 'yon," suhestiyon ni Yunik. "Ayoko nga! Utot n'yo! Kayo na lang!" Never in her wildest dream na ginusto niyang umamin dito. It's not that she doesn't want to but the thought of Peter laughing at her and insulting her. Hindi niya kaya iyon. Okay na siya sa ganito, na alam nito ang pangalan niya, nag-eexist siya, at hinding-hindi siya makakalimutan dahil sa paninira niya ng araw nito. She's contented with that. "Paanong aamin 'yan? Malamang mahihiya 'yan dahil may nalalaman pa siyang pamumuwisit kay Peter gusto lang palang magpapansin. Siyempre tatablan din ng hiya 'yang brat na 'yan! Tama ba ako, Ponce?" wika ni Kudo na siyang tumpak na tumpak! "H-hindi kaya! Ayoko lang. Bakit kasi kailangan pang umamin? Gusto ko ganito lang," tanggi niya at pinilit pakalmahin ang sarili. "Weh? Talaga? Sus!" tudyo ni Kudo at sinundot pa ang tagiliran niya. Hindi niya tuloy napigilang mapangiti dahil malakas talaga ang kiliti niya roon. "Tumigil na nga kayo. Basta tulungan n'yo ako, ah?" aniya. "Puwede ka bang gumala? Hindi ka ba grounded?" tanong ni Kudo. "Kapag 4:00 p.m. lang naman nagsisimula 'yong batas ni Papa. So, meron pa akong 5:00 a.m. to 3:59 p.m., ayos ba?" "Baka bawal kaming pumunta sa inyo?" si Yunik. "Puwede lang! Kahit naman anong gulo ang gawin natin hindi naman tayo napaghihiwalay nila Mama. Kayo nga lang pinagkakatiwalaan ng mga 'yon, eh." Tumawa si Yunik. "Sa bagay. Ikaw, Kudo, anong parusa mo?" "Ako? Ako lang naman ang Taga. Tagahugas ng plato, tagalinis ng bahay, tagagupit ng halaman ni Mama, tagalinis ng banyo, tagapaligo ng kotse ni Papa. Taga lang. Taga lang sa loob ng dalawang linggo! Hay, buhay!" Itinakip nito ang dalawang palad sa mukha. Pinagtawanan nila ito ni Yunik. Kawawa naman pala ang Kudo Aralem na ito. Mas gusto na niyang pagbawalang lumabas ng 4:00 p.m. kaysa gawin ang mga gawain na 'yon nang mag-isa. "Oh, eh, ano naman 'yong sa 'yo, Yunik?" anang tanong niya. Huminto ito sa pagtawa at humugot ng malalim na paghinga. "Tagalinis ng pupu ng mga baboy," dismayadong sagot nito. Sila naman ni Kudo ang humagalpak ng tawa. "Palibhasa'y magaan lang ang sa 'yong brat ka, eh," ani Yunik. "Me? As in M-E?" tumawa siya. "Oh, ito, kulangot para sa inyo," aniya at ipinahid ang kanina pa nakabara sa ilong niya. Nag-unahan sa pagbangon ang dalawa ngunit huli na. Humagalpak siya ng tawa at hindi na makahinga. Sobra naman ang pagkainis sa mukha ng dalawa. "Ayan ka na naman sa kadugyutan mo, eh! Kaliponse, naman! Yucks!" diring-diring sambit ni Kudo. Pinunasan nito ang polo na nabahiran ng kayamanan niya. "Nagpapasalamat pa naman ako at mukhang nakalimutan mo na ang gawaing 'yan. Ponyeta. Gusto mo bang isabit ka na lang namin sa punong 'to!?" inis na sambit ni Yunik na isang dipa na ang layo sa kaniya. Tuloy lamang siya sa pagtawa at tuwang-tuwa sa hitsura ng mga kaibigan. Gustung-gusto niya talagang pinagtitripan ang mga ito. Ang lubos na ikinatutuwa niya ay kahit anong kadugyutan ang gawin niya ay hindi siya pinapatulan ng dalawa. Maiinis lang ang mga ito nang sagad sa buto pero kapag naglambing na siya ay muli niyang mapapaamo ang mga galit na leon. Kinuha niya ang bag at naglabas ng alcohol at panyo. Nilinis niya ang hintuturo niya at lumapit sa dalawa na agad umatras. Muli ay natawa siya. "Grabe naman! Kayo nga kapag umuutot kayo hindi ko naman kinokontra, ah!" "Paano ka kokontra, eh, mas grabe 'yong utot mo! Daig pa inipon ng sampung taon sa tiyan! Lintik na 'yan!" Hinablot siya ni Yunik at pinitik sa noo. Wala pa rin siyang humpay sa pagtawa. Inabot niya ang kaliwang braso ni Kudo at ipinalupot doon ang sariling braso, sa kanan naman ay si Yunik. Ganiyan sila sa tuwing sila naman ang mag-aasaran. Lumakad na sila paalis at balak na nilang umuwi. Mag-over the bakod na lamang sila. Nagbubulungan ang mga babaeng nadadaanan nila. Ganiyan naman palagi, kung hindi ang topic ay tungkol sa pagiging troublemaker nila ay tungkol naman sa dalawang kasama niya. Sa kabila ng pagiging habulin ng gulo nina Kudo at Yunik ay marami ang nagkakagusto sa dalawa. Sino bang hindi? Mga guwapo at matatangkad ang mga ito na hanggang balikat lamang siya. Mga makikisig kung tignan at parehong may kani-kaniyang interes sa buhay. Magaling sa arnis si Yunik at magaling ding tumugtog ng gitara, idagdag pang napakaganda ng boses nito na sinumang babaeng kakantahan nito ay mahuhumaling dito. Mayaman din ito at ang angkan nito. Ang mga Ibarra ang madalas nagdo-donate sa eskuwelahan nila at sa iba pang program sa barangay nila. Kaya marami ang naghahabol dito sa kabila ng masamang imahe sa gulo. Si Kudo naman ay marahil takaw-gulo rin ay matalino naman. Marami itong nalalaman at madalas ay ito ang tanungan nila ni Yunik. Napakagaling nito sa paglalaro ng chess at pagbuo ng rubics. Si Kudo ang panlaban ng school kapag usaping chess. Magaling din itong mag-arnis at sa katunayan ay iyon ang paborito nilang libangan kapag naiinip sila. Kahit marami ang nagkakagusto rito ay bibihira itong magkagusto sa babae dahil napakapihikan. Kaya naman hindi niya rin maiwasang makakuha ng kaaway sa mga manliligaw ng dalawang apprentice. Gusto naman niya iyon. Away lang pala. "Ang dami n'yo talagang fans, 'no? Kaso ang papangit." "Sshh... maririnig ka nila," sambit ni Yunik. "Okay... baka matakot ako," humagikgik siya. Mahinang natawa si Kudo. "Baliw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD