"Umalis na yata ang bisita ni lolo?" Tanong niya sa kasambahay na nag hahain sa kanya ng pagkain sa mesa. kanina pa kasi niya di nakikita si Mayor Mark ang lolo naman niya nasilip niya sa may hardin nagpapaaraw. Imposible naman sigurong magtungo si Mayor na mag isa sa taniman nila. "Ah. Si Mayor Mark de la Cerna po ba Ma'am Yanna?" Nakangiting tanong sa kanya ng kasambahay na medyo bata pa. "Oo," kunot noong tanong niya habang nakatingin sa kasambahay nila na marahil ay wala pang trenta na halatang kinilig sa pag banggit sa pangalan ni Mayor. "Maaga pong umalis si Mayor kanina. Narinig ko naman po na babalik din daw po siya ilang araw mula ngayon,' paliwanag nito na hindi mabura-bura ang ngiti sa labi. Humugot na lamang siya ng malalim na paghinga at iniling ang ulo. Hindi na siya na

