Matapos nilang mag usap mag lolo ng masinsinan nagpaalam siya ritong lalabas muna at kakausapin naman niya si Mark. "Huwag ka sanang magtanim ng ano mang galit kay Mayor, Yanna," saad ng lolo niya sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng library. Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang mga mata nang makalabas na ng pintuan at sinandala ng likuran sa pintuan. Kahit naman ano pa ang sabihin at gawin niya si Mayor Mark pa rin ang mananalo sa huli. Pakakasalan pa rin niya ito at magiging pagmamay-ari pa nito ang buong asyenda, habang siya matatali sa proteksyon nito sa pamamagitan ng kasal na wala namang pag ibig. Paano kaya ang magiging pagsasama nila kung wala naman silang damdamin sa isat-isa. Hindi niya ito gusto at alam niyang hindi rin siya gusto ni Mark. Ginagawa lan

